Madilim pa ang paligid subalit gising na ang lahat. "Jaxel! Jaxel! Gising ka na," dinig niyang wika ni Damon habang tinatapik ang kamay niya. "Maaga pa..." wika niya, at tumalilkod. "You need to wake up," giit ni Damon, at tinapik muli ang kamay niya. "Halos gising na ang mga tao dito." Nakasimangot na napangising si Jaxel. Agad na napakurap siya. "Damn! You're so noisy!" Masamang tinignan niya si Damon. "Anong oras na ba?" "Ah, It's five in the morning," sabi ni Damon, at umupo sa gilid ng kama. "Sige na bumangon ka na diyan." "Pwede bang mamaya na? I still want to sleep," reklamo niya sa kay Damon, at masamang tinignan ito. Mahina lang na natawa si Damon. "Akala ko ba, handa ka na gawin ang lahat para makausap si Alona?" Kinusot-kusot ni Jaxel ang kanyang mata. "Oo, pero napakaa

