Mataas na ang araw nang minulat niya ang kanyang mata. Napahiyaw siya nang malakas nang maalala na may bisita siya sa kabilang kwarto. "Naku po! Bakit ko ba nakaligtaan!" sabi niya, sabay tampal sa kanyan noo. "Anong oras na ba?" Napanganga siya nang makita na tanghaling tapat na, at hindi pa siya nakasaing. At hindi lang iyon, halos magsalubong ang kilay niya nang mapansin naka limang miss calls na si Jaxel. Subrang napasarap yata ang kanyang tulog na kahit nakailang beses na itong tumawag sa kanya, mi isang tawag nito ay hindi niya man lang narinig. "Nakaalis na kaya iyon?" tanong niya sa saliri, at nagmadaling niligpit ang higaan para tignan ang kanyang kwarto. Nalumbay siya bigla nang makita na maayos ng nakatupi ang higaan. Kaya siguro panay ang tawag nito sa kanya para ipaalam n

