Kanina pa siya pasulyap-sulyap sa kay Alona. At sa bawat pagsulyap niya sa dalaga ay parang kumikirot ang kanyang puso. Blanko man ang ekspresyon nito sa mukha at hindi man ito umiimik, alam niya na gumugulo ang isip nito. Panay kasi ang pagbuntong hininga nito. Kaya imbes na sa Tagaytay sila tutungo ay hindi sila doon tumuloy. Kumaliwa siya patungong Las Piñas kung saan may isa pa siyang bahay. Siguro panahon na para ayosin niya ang pakikitungo sa dalaga. Agad siyang lumiko sa may Mangahan Street at kumaliwa sa pangalawang kanto tapos huminto sa pangatlong bahay. May mataas itong pader at gate kaya hindi mo makikita ang kabahayan. Samnatalang nagtaka si Alona kung bakit lumiko sila patungong Las Piñas. Lihim niyang sinulyapan ang amo. Nang huminto na sila sa may malaking gate ay nakita

