"Napakaaga mo yatang nagising," puna na wika ni Nay Rosing nang madatnan siya nitong nagluluto sa kusina. "Kayo po pala, Nay Rosing. Good morning po. Ah, maaga po talaga akong nagigising. Nakasanayan ko na yata," wika niya at, ngumiti nang pagkatamis. "Kamusta ang pasyente natin?" "Iyon po pasyente pa din. Masungit pa din," pilya niyang sagot, at pinahinaan ang kalan. "Nay, 'wag ninyo masamain ang aking tanong, pero nagmula po ba sa broken family si Boss? Kung makapagsungit kasi parang pasan niya ang lahat ng problema ng mundo." Natawa si Rosing sa winika niya. "Hindi. Maayos at matiwasay ang relasyon ng kanyang mga magulang. Isa sila sa mga mag-asawa na hinahangaan ko. Hindi sila masyadong nag-aaway. Masasabi mong masyadong submissive wife si Madam Lyanna kay Sir Arthur. Lahat ng si

