He's looking at the window when his mind remember something. "Baliw ka ba? Hindi mo ba nakikita na maaring kahawig ako ni Ate Gwendolyn, sa kilos at pananalita. Subalit kailanman ay hindi ako magiging siya. Magkaiba kami! Ako ay ako, at siya ay siya! Kaya 'wag mong iparamdam sa akin ang pait ng iyong pagkabigo. Wala akong kinalaman kung iyang puso at isipan mo ay nawasak. Hindi ako ang salarin!" Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga bago nagpasiya na umalis. Mabilis niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan, at agad na nagmaneho patungong sa bahay ni Alona. Alam niyang gabi na, subalit wala siyang pakialam. Kailangan niyang makausap ang dalaga nang mabawasan man ang pag-uusig ng kanyang budhi. Nang makarating siya sa may lugar nito ay agad niyang ipinarada ang sasakyan at pin

