Hindi na umangal pa si Alona nang pinakilala siya ni Jaxel sa kay Mr. Shalton bilang special someone. Na kahit halos naiilang at naninibago siya sa kinikilos nito ay sinakyan niya na lang. Iyon naman kasi ang pinakiusqp ng amo. Medyo kahit paano ay naunawaan niya na kung bakit nahuhumaling ang mga babae sa kanyang amo. Subrang sweet pala ng binata kapag special someone ka niya. Talagang halos kuntodo asikaso nito sa kanya. Kaya iyong babae na sinasabi ng amo na may gusto sa kanya ay panay ang tingin nito nang masama sa kay Alona. "You have changed a lot, Mr. Jaxel," wika ni Mr. Shalton habang makahulungan na nakatingin sa kanya. "But I can see, why. I'm happy for you." "Thank you," sabi ni Jaxel, at napangiti sa winika ng kaharap. "Well... it was fate who brougth us together. Somethi

