Halos nasapo ni Sister Fiona ang kanyang noo. Sa buong pananatili niya sa bahay ampunan ay ngayon lang siya inutusan ni Mother Superior na magsinungalinga at ikubli ang isang tao. Sino nga ba si Alona? At bakit pinagbawal ni Mother Superior na sabihin na nasa may bahay ampunan siya? Ito ang katanungan na naglalaro sa isip niya. Ayon na-curious tuloy siya na makita ang dalaga, lalo na sabi ni Cathlyn ay kasing edad niya lang ito. "Nakaalis na ba sila, Cathlyn?" tanong ni Shawn sa kababata. "Sa palagay ko hindi pa." "Papano mo nasabi?" "Kanina kasi nang isinara ko ang gate ay natanaw ko na pumarada lang sila sa may 'di kalayuan." Napaupo si Shawn sa may sa may silya at marahan na pinagsusuntok ang palad."Alam mo bang gusto ko siyang suntokin kanina? Kung hindi ko lang iniisip ang

