Hindi namalayan ni Alona na mahigit dalawalang linggo na din siyang pumapasok bilang secretary ni Jaxel sa opisina habang sa gabi at weekends naman ay mayordoma nito. Medyo sanay na din siya sa mood swing nito na dinaig pa ang buntis kung sumpongin. Sa opisina naman ay madami na din siya naging kaibigan. At hindi lang iyon, nasanay na din siyang makihalobilo sa mga clients ng boss niya at maging sa mga makukulit nitong secretaries. Maging ang mga super demanding na kaibigan ni Jaxel,at mga walang patawad na mga Managing Heads nito ay napapasunod niya na din. Nagpasalamat siya kasi biglang nagkulong at nag-declare ang boss niya ng off limits. May kasama itong super model sa loob ng kwarto at ayaw nito magpaistorbo. Kaya pwede niyang gawin ang mga ibang bagay. At habang busy ang boss

