Nagulat si Alona nang makita ang kaibigan si Ninay na sumunod sa kanya. "Okey ka lang?" usisa nito sa kanya, at may simpatya siyang tinignan. "Huwag mong pansinin ang sinabi ng mokong mong boss. Pinigil niya ang pagtuloy ng luha na bumabatyang kumawala sa kanyang mata. "Oo naman," sabi niya, at sinikap na ngumiti. "Akala ko sanay na ako sa mga kagaya niya... kasi alam ko naman kung saan ako nararapat. Pero hindi pala. Nagkamali pala ako. Kasi ang sakit pa din." Niyakap siya ni Ninay mula sa likod. "Kasi tao ka, may damdamin. Hindi ka robot, Alona. Nagkukunwari ka lang na matatag at matapang subalit hindi ka din naiiba sa akin. You're vulnerable too." Inayos niya ang saliri, at napatingin sa salamin. "Hayaan mo na siya. Hindi ang isang tulad niya ang makakapigil sa akin na sumaya, ng

