"Cassius!" Gulat na bulalas ng ginang ng mabungaran ang anak. Hindi niya kasi iyon inaasahan, minsan lang kasi umuwi ang anak at lagi itong nagsasabi, ngayon ay hindi man lang ito ng sabi kaya nagulat talaga siya "Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya.
"Good morning Mom" Magalang na bati ni Cassius saka hinalikan sa noo ang ina "Where's Dad and Abuela?" Tanong pa nito.
"In the dining room, taking their breakfast" Wala sa sariling sagot ng ginang.
"Good, here Mom" Sabi ni Cassius sabay bigay ng dalawang bag na hawak niya sa ina niya.
Nasa gilid lang nito si Ziya na karga si Anuj habang si Tanuj ay hawak lang sa kabilang kamay nasa gilid sila ni Cassius kaya di pa sila nakikita ng ina ni Cassius "Can you please take care of them first, I'm really late with my appointment" Nagmamadaling sabi ni Cassius saka kinuha na si Tanuj kay Ziya at kinarga papasok.
Literal na natulala at napatigalgal si Rina at nagpalipat-lipat ang tingin nito sa dalawang bata at kay Ziya. Habang si Ziya ay namamatay na sa kaba at hiya dahil sa bilis ng mga pangyayari.
Inilapag na ni Cassius si Tanuj at bininaba na niya ang kamay na nasa bewang ni Ziya nung alalayan niya ito papasok sa loob ng bahay.
"I'll come and pick you up after I am done with my work" Imporma ni Cassius sa dalaga bago balingan ang kambal "You little monsters, be good okay?" Kausap naman ni Cassius sa mga bata. Sunod nitong binalingan ang ina "Mom I'm going" Paalam ni Cassius sa ina at hinalikan ulit ito sa noo.
"Ta!" Biglang sigaw muli ni Anuj habang nakatingin sa ama na naglalakad na palabas. Nilingon lang ito ni Cassius bago tumuloy ulit sa paglalakad. "Ta!" Mas malakas na tawag na ni Anuj, naiiling na nilapitan na ni Cassius ang anak.
"Behave Anuj, Ta is going to work now, okay" Malambing nitong kausap sa anak ngumuso lang si Anuj saka pinalo palo ang mukha ng ama na ngayon ay nabahiran na ng laway dahil sa basang-basa ang kamay nito ng laway "See you later little guy" Malambing na paalam ni Cassius bago halikan ang ulo ni Anuj. "You too" Baling niya din nito kay Tanuj at hinalikan din ito sa ulo. Bago tuluyang lumabas.
Sa kabilang banda ay narinig ni Caleb at Anita ang matinis na sigaw na iyon.
"What was that? " Kunot-noong tanong ni Caleb.
Habang si Anita ay dali-daling tumayo, nagtataka man ay sumunod nalang si Caleb sa kanya.
"Oh my God iha" Gulat na bulalas ni Anita pagkakita kayla Ziya. Agad itong lumapit at niyakap ang dalaga. "Where is Cassius? " Tanong nito matapos bumitaw sa yakap.
"Kaaalis lang po nasa trabaho niya" Mahina at nahihiyang sagot naman ng dalaga.
"Oh good thing he is becoming more responsible now and didn't leave you there alone with just you three in his condo " Simpleng sabi lang nito. Saka naman binalingan si Anuj na karga niya at si Tanuj na nasa gilid niya. Agad nitong hinalikan sa pisnge si Anuj naikinahagikhik nito. "Come here Tanuj" Marahang alo nito kay Tanuj na mahigpit na nakakapit kay Ziya.
Tiningala muna ni Tanuj ang ina na parang nagtatanong, nakangiting tinanguan naman ito ni Ziya, doon na muling tumingin si Tanuj kay Anita at mas lalong lumawak ang ngiti ng matanda nakabukas na ang mga kamay nito na parang nagpapakarga.
Agad niya naman itong binuhat at nagulat siya nung bigla na naman nitong inabot ang perlas nito na nasa leeg niya saka pinaglaruan.
"Now I know why he always come near me. I think I have to wear pearls from now on, to lure this little cutie" Natatawang bulalas ng matanda.
Naguguluhan na nilapitan ni Caleb ang asawa na ngayon ay tulala pa rin sa kawalan.
"Who are they?" Bulong ni Caleb sa asawa habang nakatanaw kay Anita na masayang nakikipagalaro sa mga bata.
"I think they are our grandsons" Wala sa sariling sagot ni Rina.
"They are what?!" Gulat na bulalas nito doon napatingin sila Anita at Ziya dito dahil napalakas ang boses niya.
"Oh Caleb, Rina" Bulalas ni Anita ng marealize na nandito pa pala ang mga ito.
Ayaw pa man niya ay binababa niya muna si Tanuj "Take care of them first iha" Bilin nito kay Ziya na hindi na mapakali sa kaba nung mga oras na yun ang gusto niya nalang mangyari ay kainin nalang siya ng lupa, paulit-ulit niya na ding pinatay si Cassius sa isip niya dahil nilagay siya sa sitwasyong iyon at iniwan lang din.
"Let's take a sit first" Sabi ni Anita sa mag-asawa.
Nung makaupo na silang lahat habang si Ziya ay binaba na rin si Anuj na ngayon ay patingin-tingin na sa paligid habang hawak-hawak sa kabilang kamay ang manggas ng damit ng ina niya.
Huminga muna ng malalim si Anita bago nagsalita "Wag kayong mabibigla sa sasabihin ko, that is Ziya the mother of these two adorable twins. This little guy here is Anuj and this is Tanuj. They are Cassius children, your grandsons" Gusto sana nitong maging seryoso habang sinasabi yun ngunit hindi pa rin naitago sa tuno ng boses niya ang galak at tuwa.
May kutob na si Rina kanina pa lang hindi lang siya makapagreak dahil naguguluhan pa siya sa mga nangyayari. Habang si Caleb ay literal na napatigalgal at nagpalipat-lipat ang tingin kayla Ziya, na ngayon ay okupado sa pagaasikaso sa mga bata dahil nagsisimula ng umungot si Tanuj na dumede kaya nagpapakarga na ito sa ina habang si Anuj ay gustong-gusto ng magtatakbo pinipigilan lang ni Ziya sa pamamagitan ng paghawak sa isang kamay nito.
"What the?! How can that bastard hide this from us" Gigil na sikmat ni Caleb habang palipat-lipat ang tingin kay Tanuj at Anuj.
"Wait I think that's not the problem here, aren't you the second daughter of the Veloso's, you're Julia's sister right? Cassius' fiance. What the hell is happening? How can you be the mother of Cassius children? Didn't you elope with your boyfriend?" Kunot-noong sunod-sunod na tanong ni Rina.
Kanina niya pa matamaang tinitigan ang babae dahil pamilyar ito sa kanya, hanggang sa pinakilala na ito ni Anita doon niya na na kumperma kung kailan niya ito nakita.
Isang beses niya pa lang nakita ang dalaga kahit na matagal ng may relasyon si Cassius at Julia ay hindi naman ito sumasama sa mga social gatherings busy Lang daw ito sa paglalakwatsa.
Unang beses niyang kita dito nung sa birthday party ni Julia nearly two years ago bago ito mawala dahil yun lang ang social gathering na dinaluhan nito.
Noon pa man ay hindi na maganda ang impresyon niya sa dalaga dahil na din sa mga kwento ni Julia at Minerva tungkol dito.
At ngayon na nagpakita ulit ito at may bitbit pa itong mga bata na anak daw ni Cassius may nararamdaman siyang hindi maganda sa mga nangyayari.
"Wait Mom? How can you know that they are Cassius children? Did you already undergone in a DNA test?" Kunot-noong tanong ulit ni Rina, doon parang nanliit si Ziya, ramdam niyang napatingin sa kanya si Anita at Caleb pero wala siyang lakas ng loob na salubungin ang mga tingin na iyon.
"Mam...Ma..mam" Malakas na ungot na ni Tanuj at pinipilit na nagpapakarga sa kanya.
"Ziya iha sige na doon muna kayo sa kwarto ni Cassius" Sabi ni Anita. Saka tinawag ang katulong nila para ipahatid si Ziya sa kwarto ni Cassius.
"Mom, how can you believe her? You know the rumors right? Maybe she's scheming money from us" Sabi pa ni Rina na hindi nakawala sa pandinig ni Ziya dahil hindi pa siya tuluyang nakakaakyat.
"How can you say that? Did you see the children with just one look you'll already know that they are De Silvas"
"But the rumors--"
"Rumors are just rumor. Some of them are not true, after meeting her I confirmed that those rumors are just baseless. You'll know after meeting the kids"
•••
Hindi na mapakali si Ziya sa kwarto ang gusto niya nalang ay bumilis ang oras para masundo na sila ni Cassius kung kanina inis na inis siya dito ngayon ang hinihiling niya nalang ay dumating ito para kunin na sila.
Kakatulog lang ni Tanuj habang si Anuj ay maligalig pa rin sa laki ng kwarto ni Cassius ay malaya siyang nakakatakbo sa kung saang sulok ng kwarto.
Dahil sa malalim na iniisip ni Ziya ay hindi niya na narinig ang kumakatok si Anuj ang lumapit doon sakto namang kakabukas lang ng pinto kaya na buntol ito at malakas na napaupo dahil sa impact at sakit na bumalakid dito ay malakas itong napaiyak.
Doon naman na gising ang diwa ni Ziya dahil sa malakas na iyak ni Anuj maging si Caleb at Rina ay nagulat.
Si Caleb agad ang nakapasok dahil siya ang nagbukas ng pinto at doon niya nakita si Anuj na nakasalampak sa lapag at malakas na umiiyak.
"What did you do?!" Gulat na bulalas ni Rina at agad na pinangko si Anuj. Si Ziya naman ay hindi makalapit dahil nakakapit pa sa kanya si Tanuj na payapang natutulog.
Agad itong kinuha ni Rina at kinarga saka pinatahan. "Just take care of that one there, I'll take care of him" Bilin nito kaya napatigil sa pagtayo si Ziya at tinapik-tapik na si Tanuj para makatulog ulit.
Unti-unti namang tumahan si Anuj dahil sa pagpapatahan ni Rina sa kanya.
"Good boy, stop crying na huh. I will kiss it nalang kung saan ang masakit. Okay?" She sweetly coax him and then finally Anuj stopped from crying.
Lumapit naman dito si Caleb "I'm sorry baby di kita napansin" Malambing nitong paumanhin nito.
"Can I also hold him?" Sabi ni Caleb habang hindi inaalis ang mga mata kay Anuj.
"You'll just scare him" Masungit na sabi ni Rina saka nilayo si Anuj na ikinasimangot ni Caleb magsasalita palang sana siya nung muling nagsalita si Rina. "Shh. He's sleepy" Saway nito sa asawa ng makita ang pamumungay ng mga mata ni Anuj at kinukusot-kusot pa ang mga mata.
"Ma..." Ungol nito habang nakatingin kay Ziya at nakalahad ang mga kamay para magpakarga kay Ziya. Agad naman napatingin si Rina kay Ziya.
"Lumabas ka muna" Sabi ni Rina sa asawa.
"Why? "
"She's going to breastfeed him" Sagot ni Rina buntong hiningang tumalikod nalang si Caleb bago siya makalabas ay muli niyang tinignan si Anuj pero walang pakialam lang ang bata sa paligid niya at buong atensyon lang na nakatingin sa ina.
Nung makatulog na si Anuj ay saka na ito nilapag ni Ziya sa tabi ni Tanuj, payapang natutulog na ang dalawa.
Sa paglingon niya ay nagulat siya nung nandoon pa rin pala si Rina.
"I don't know how it happened but after seeing them there's no doubt about it they are really De Silvas. This will certainly a big mess, Cassius is your sister's fiancee. How can you do this? I don't know what you are up to but I tell you what I won't let you ruin my son and this family" Seryoso at malamig na sabi ng ginang.
"Wag po kayong magalala wala akong balak na sirain ang kahit sino man, ang gusto ko lang ay ang tahimik na buhay para sa amin ng mga anak ko. Sadyang may hindi lang magandang nangyari kaya lumapit ako kay Cassius. Wala na akong pakialam kung anong tingin nito sa akin pero pera lang po ang kailangan ko para makapagsimula kami ulit at pinapangako ko magpapakalayo-layo na kami at hindi ko na kaya gagambalain pa" Matapang na sagot naman ni Ziya.
"You think we will let you do that? After knowing that these children shared the same blood as us"
"Gaya nga na sabi niyo fiancee ng kapatid ko si Cassius at sigurado akong malaking iskandalo iyon pagnagkataon at ayokong iyon ang kamulatan ng mga anak ko, kaya kong akuin ang responsibilidad ng ako lang mag-isa kaya wala kayong dapat ipagalala. At kung malaki na sila at nasa tamang edad na para maintindihan nila lahat, ipapaliwanag ko sa kanila ang sitwasyon" Sabi ng dalaga na ikinakunot ng noo ng ginang akmang aalma na ito ng magising si Tanuj.
"Ma...mama" He mumbled at saka umakyat papunta kay Ziya, agad naman itong kinarga niya Ziya at tinapik-tapik ang likod.
"Let's talk this out again later 'till Cassius is home" Buntong hiningang pagtatapos nalang na usapan ng ginang saka lumabas na.
Parang doon lang nakahinga ng maluwag si Ziya nung makalabas na ito. Alam niyang hindi na siya makakawala pa dahil alam niya kung gaani kaimpluwensya at makapangyarihan ang mga De Silva hindi man sila masyadong kilala sa Pilipinas pero walang elitista at myembro ng alta sosyodad ang hindi nakakakilala sa kanila, walang sinuman ang kayang banggain ang mga De Silva kahit pa mismo ang Presidente ng Pilipinas.