"Ma'am hindi po kayo pwedeng lumabas" Biglang harang nung guard nung makita si Ziya na base sa description na ibinigay ni Cassius sa kanya kanina ay yun na nga ang tinutukoy ng lalaki.
"Ano ba! Nakikita niyo bang nanghihina na ang anak ko sa oras na may mangyaring masama sa anak ko kayo ang mananagot!" Inis na pagbabanta ni Ziya sa guard na pilit siyang hinaharang kita niyang napapalunok ito ng laway at kinakabahan na habang pilit na sinisipat si Anuj na tahimik na kahilig lang sa balikat niya kaya pilit niya iyong iniiwas para hindi malamang nagsisinungaling siya.
"Paantay nalang po kay Ser De Silba Mam sandali nalang ata yun" Nagmamakaawa na ang tingin ng guard dahil hindi na niya alam ang gagawin at kung sino ang susundin.
Kilala niya ang babae dahil siya din ang nakaduty kahapon ng bigla nalang itong pumasok dito at sinabing anak ni Mr. Cassius De Silva ang dalawa ngayong tumawag na nga si Mr. De Silva sa kanya ay doon niya napatunayan na totoo nga ang sinasabi ng dalaga. Pero kung totoo nga paano naman pag may mangyari sa isa sa mga anak nito dahil sa hindi niya pagpapalabas sa dalaga ay tiyak na malalagot din siya.
Ang hindi niya maintindihan kung bakit hindi nalang nagsabay sa pagbaba ang dalawa at kung bakit pinipigilan ng lalaki na lumabas ang dalaga kung emergency naman at may sakit ang isa sa anak nila wala siyang panahon para magisip pa ng mga posibleng dahilan, mas ukupado ang utak niya kung ano ba ang susundin ang obligasyon sa trabaho o konsensya niya ba dahil nasa mukha na ng dalaga na nagpapanic at naghihisterekal na ito sa pagaalala sa anak na karga-karga, dagdag pa isa pang bata na hawak nito na tahimik at mukhang pagod na.
"Putangina naman makakapaghintay pa ba ako? Paano kung may mangyari na sa anak ko napakakupad pa naman ng tarantadong lalaking yun! Tabi bilis! " Inis na sigaw na ng dalaga saka mabilis na naglakad na palabas na ikinakamot nalang sa ulo ng pobreng guard.
Nagtataas baba na ang dibdib ni Ziya sa kaba at hindi na niya alintana ang bigat ng dalawa habang lakad takbo para makalayo agad sa lugar kung hindi ba naman kasi sila minamalas ay ngayon pa walang dumadaan na taxi.
Bigla tuloy siyang kinabahan at nagsisi na nilapitan niya pa ang lalaki para humingi ng tulong. Ngayong alam na nito baka ipahanap sila nito at madali lang iyon para sa lalaki dahil sa impluwensya at pera nito.
Ayaw niyang malayo sa kanya ang mga anak niya magdildil nalang siya ng asin pero ayaw niyang mawalay sa kanya ang mga anak niya.
•••
Sa kabilang banda ay sa elevator palang hindi na mapakali si Cassius at nung magbukas na ang elevator ay dali-dali niyang tinakbo ang daan papunta sa main hall.
"Where is she? " Biglang tanong niya habang palinga-linga.
"Ahh. Kakaalis lang po Ser" Utal na sagot nung Guard. Doon marahas na napalingon si Cassius dito.
"What? Didn't I tell you to stop her?!" Timping
"Kase po Ser may saket daw po yung isang bata nagmamadali yung babae, galet na galet po senabe ko naman po na entayen kayu piro ang sabe niya po ang kupad niyo daw pong tarantado kayo, naawa naman ako baka may mangyare talaga sa bata" Kabado at alangang paliwanag ng guard.
"What did you say? " Tiim bagang na tanong ni Cassius dito.
"Naawa naman---"
"No before that"
"Ang kupad niyo daw po kasi Tarantado---Naku ser hinde aku may sabe nun si Mam po" Mabilis na pambawi ng guard nung marealize ang sasabin niya sana. Doon mas lalong nanlisik ang mga mata ni Cassius habang nakatingin sa kanya na ikinalunok niya ng laway. "Ahh Ser baka nandyan pa po yun ganitong oras po kase wala pang dumadaan na taxe" Pagiiba niya ng usapan, doon nabuhayan si Cassius at agad na tumakbo palabas, doon naman nakahinga yung guard at doon nga nakita ni Cassius ang likod ng dalaga na lakad takbo ito. At pasalamat sa mahahaba niyang bias kaya inilang hakbang niya lang ito saka hinawakan ito sa braso at pinaharap sa kanya kita niya ang gulat at pamumutla ng babae nung mapalingon sa kanya bakas din sa mga mata nito ang matinding takot.
"Bitawan mo ko ano ba!" Doon siya napabalik sa sarili nung bigla nalang kunin ni Cassius si Anuj habang karga niya pa rin si Tanuj siguro ay naramdaman nito ang takot niya at hindi pa nito talagang kilala si Cassius kaya humikbi ito saka umiyak ng malakas, na ikina kunot ng noo ni Cassius at marahan itong tinapiktapik sa pwet para patahanin.
"Ano ba! Ibalik mo sa akin ang anak ko!" Gigil na singhal niya at malakas Ziya habang pilit na sinusundan si Cassius.
Pinagtitinginan na sila ng mga taong dumadaan pero parang hangin lang iyon kay Cassius at walang pakialam sa paligid.
"Hoy! Walanghiya ka! Tulong! Tulungan niyo 'ko yung anak ko! " Sigaw ni Ziya kasabay nito ang iyak ng dalawang bata.
Nabibingi na si Cassius sa ingay kaya pilit niya pang mas binilisan ang paglalakad para makarating na sa unit niya, yung mga nagtatangka sanang lumapit ay agad niyang sinasamaan ng tingin, na agad namang nasisisindak at napapahinto nalang.
"Ple...ple...please ha...hayaan mo nalang kami. Ayokong mawalay sa akin ang mga anak ko, pangako hinding-hindi na ako magpapakita sayo" Nagmamakaawang ani ni Ziya nung nasa elevator na sila, ngunit tanging malamig na tingin lang ang ibinigay sa kanya ni Cassius habang hawak-hawak nito si Anuj.
•••
"Where did you go? I was looking for the both of you? " Salubong sa amin ni Ma'am Anita na ngayon ay kakatapos lang maghilamos. "What happened?" Tanong muli nito nung walang nagsalita sa amin ni Cassius.
"Abuela can you go home first we're just going to talk" Mahina at magalang na sabi ni Cassius sa lola.
Nagpalipat-lipat muna ang tingin nito sa amin ni Cassius saka tumango.
"Okay, good thing that Philip was already downstairs" Sabi nito at inayos na ang sarili saka nilapitan si Cassius na karga si Anuj at hinalikan ito, ganon din ang ginawa nito kay Tanuj saka ako nginitian na tinugunan ko ng tipid na ngiti.
"You already know what to do right?" Makahulugang sabi ni Ma'am Anita kay Cassius na tinanguan naman ni Cassius bago ito lumabas.
Nagulat ako nung marahas na hinawakan ni Cassius ang kamay ko at pilit akong hinila paupo sa sofa.
"Ano ba! Pwede bang hayaan mo nalang kami. Kahit ibigay mo pa sa akin lahat ng kayamanan mo hinding-hindi ko iiwan ang mga anak ko" Sigaw ko habang pilit na kumakawala dito pero dahil nas malakas ito sa akin ay naiupo pa rin ako nito sa sofa.
"Oh. How touching. What do you want me to do then? Marry you? Is that what you want?" Nanguuyam na sabi nito saka nilapag na si Anuj sa may pangisahang upuan.
"HINDI!" Mabilis na sigaw ko.
"What you want money again? Then, hide them again from me? " Madalim ang mukha na sabi nito habang matamaang nakatingin sa mga mata ko. "How dare you hide them away from me, what do you take me for? An irresponsible man who would just run off after a one night stand? I've never done that to you! But you did that to me! And worse you got pregnant without even telling me and now that I know about this. You're saying to just give you some money so you can run off again with my kids. Do you think I can still sleep tight and live lavishly knowing I have kids and they're might be struggling!" Doon ako natameme dahil sa sinabi nito. "I'm a De Silva and a De Silva will never run off to any responsibilities, these kids are now one of those now" Madiing sabi nito habang nakatingin kayna Tanuj at Anuj na walang pakialam na naghahabulan ngayon.
"I...I'm sorry, alam kong mali na ipagkait ko sila sayo pero ikakasal ka na, ayaw kong makasira ng pamilyang bubuohin mo at mas lalong ayaw kong lumaki ang mga anak ko na ipinagsisiksikan nila ang sarili nila, ayokong pagdaanan nila ang mga napagdaanan ko" Bahagya pa akong nautal at humina ang boses ko ss katapusan, huminga muna ako ng malalim bago nagsalita ulit. "Nagmamakaawa ako sayo Cassius kung gusto mong lumuhod pa ako gagawin ko, lahat gagawin ko wag mo lang ilayo sa akin ang mga anak ko. Hindi ko kakayanin kung mawala sila sa akin" Umiiyak na sabi ko habang nagmamakaawang nakatingin dito.
"You have to live here too then. It will be a good deal with you here I don't have to look for their nanny. Either take it or leave" Simpleng sabi lang nito na ikinatigalgal ko, taas kilay ako nitong tinignan na parang nagbabanta.
Napabuntong hinanga nalang ako "Sige payag na ako" sabi ko nalang
"All you have to do is to focus on the kids" Sabi nito bago tumingin sa wrisk watch niya "I still have work, we'll talk again later" Sabi nito saka napatingin sa pwesto ng dalawa na ngayon ay nagsisigawan at nagtatawanan na sa tuwing tumutunog ang pagkapunit ng mga papel na pinagpupunit nila. "These little monsters" Mahinang naibulalas nalang ni Cassius.
•••
"Ta!!! " Nagulat si Cassius nung pagkalabas niya palang ng kwarto ay agad siyang sinalubong ni Anuj ng yakap.
Kakatapos niya lang maligo at magbihis nagulat siya nung akma sana niyang bubuhatin si Anuj ay bigla itong umihi at nabasa nun ang slacks niya, hubot hubad kasi ito.
Kita niya rin si Tanuj na hubot hubad din natumakbo palapit kay Anuj habang si Tanuj ay tumatakbo din palapit sa kanya na gaya ni Anuj ay hubot hubad din, nakasunod dito si Ziya nung dala dala ang mga damit nila habang may nakasabit na tuwalya sa balikat.
"Tanuj! Anuj! Tumigil kayo sabi! Gusto niyo bang mapalo huh! Bakit ba ang kukulit niyo ngayon" Gigil na sikmat ni Ziya sa dalawa na ngayon ay mukhang maamong tupa na ngayon dahil sa nakikitang galit sa mukha ng ina. Mabilis na nilapitan ni Ziya ang mga bata at inakay papunta sa may sofa. "Oh ano pang ginagawa mo dito diba late ka na?" Puna ni Ziya kay Cassius habang abala sa pagbibihis ng mga bata na ngayon ay tahimik na.
"I change my mind, I think I can't have you stay with them alone" Biglang sabi nito.
"Huh? Bakit naman? " Takang tanong ng dalaga.
"With this little monsters here, can you really handle it? "
"Naku ano ka ba oo naman sanay na ako saka kaya siguro extra kulit sila ngayon dahil naninibago sila at napakalawak pa ng bahay mo ang lawak ng natatakbuhan nila"
"I really have an important meeting this morning and I can't cancel it, just prepare their things we are going to the old house, I'm certain that my Abuela and my mother will help you take care of them" Sabi nito na ikinagulat ni Ziya.
"Ano? Ayoko!" Agarang tanggi nito.
"What? Do you know what you're talking about? This crickets are all over the place, I'm afraid with you just here, accident may happened. Stop being so stubborn and prepare all you'll need. I'll take care of them first" Utos nito, tinangka pa sana ng dalaga na umalma pero tinignan na ito ni Cassius ng may nagbabantang tingin kaya wala na itong nagawa at napatango nalang.
Pinaghintay muna nito si Ziya dahil magbibihis ulit siya dahil inihian siya ni Anuj. At nung makalabas na ay si Cassius naman ang pumalit na magbantay sa mga bata.
"Panoodin mo nalang sila ng TV para di na maglilikot" Bilin ng dalaga na ikinatango nalang ng dalaga.
Mabilis lang na naihanda ni Ziya ang mga kakailanganin niya at ng mga bata at nung paglabas ni sa kwarto ay ang maingay na boses agad ni Anuj ang narinig niya.
"Ta! Ta!" Sigaw ni Anuj habang naka kandong sa ama at tinuro ang nasa tv. Si Cassius iyon na kakahubad lang ng helmet, naka pangracing attire ito. At mukhang ang pinapaanood nila ay isa sa mga racing competition na sinalihan ni Cassius.
Nasa gilid naman nitong si Tanuj na nakatayo lang at natahimik na nanonood.
"Yes that's me, aren't I handsome?" Mayabang na ani nito na agad na tinanguan ni Anuj habang si Tanuj ay kunot-noo siyang tinignan. Natatawang marahan na pinisil ni Cassius ang matatambok na pisngi ni Tanuj "Someday you'll thank me for having my genes" Natatawang kausap nito kay Tanuj.
"Tapos na ako" Imporma ng dalaga na ikinalingon ng tatlo sa kanya.
"Ma..." Ungot bigla ni Tanuj agad niya itong nilapitan at kinarga, yumakap naman agad si Tanuj sa leeg niya at humilig.
"Ma!" Masiglang sigaw din ni Anuj habang nakalahad ang nga kamay na parang nagpapakarga din.
"You little guy, you will be with me, your Mom already have your brother, she can't carry the both of you. Okay" Kausap ni Cassius sa bata na parang naintindihan naman ni Anuj at tumango bigla habang malawak na nakangiti. Magiliw na ginulo naman ni Cassius ang buhok nito.
Cassius was never good when it comes to children because he was an only child so mas sanay siya na siya lagi ang inaalagaan. Nagtataka siya na parang natural lang kung kausapin at alagaan niya sina Tanuj at Anuj at hindi pa man umaabot ng bente kwatro oras na nakasama niya ang kambal ay ang gaan gaan na ng loob niya sa mga bata. There was this unexplainable feeling and attachment that he felt with them. Maybe it's because of the bond because he felt that they came from him.