STEVE 25 years later... Ang dami ng nagbago sa buhay ko simula nung nakilala ko si Timothy. Ang layo na nito sa mga pinapangarap ko lang noon, sa mga napapanood ko sa isang teleserye at sa mga inaasahan ko. Hindi ko alam na darating sa puntong may taong magmamahal pala sa akin. Iyong taong tutuparin ang ipinangako niya noong mga bata palang kami na hindi ko naman inaasahan dahil sa murang edad ay kasal na ang nasa isip nito. Pero sa katayuan ko ngayon ang lahat ng iyon ay totoo. Walang kahit na anong mahika ang ginamit upang magilusyon ako. Bumukas ang pinto ng aming kuwarto dito sa mansyon. "Dada, Tara na po. Aalis na po tayo," Tumango naman ako at umalis na ito. Iyon ang pangalawa naming anak na si Nathaniel. Pagkatapos naming ikasal ni Timothy ay lumipad kami
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


