STEVE May iba't ibang uri ng sakit na pwedeng maranasan ng tao. Isa na doon ang sakit na nararamdaman ko, nagmahal ako ng sobra pero sa huli pinaglaruan lang ako. Para akong isang robot na pagkatapos pagsawaan ay ipagpapalit nalang sa isang bago at may matibay na parteng laruan. "Bakit hindi mo pinakinggan iyong paliwanag niya?" Hindi ako sumagot sa naging tanong ni Patty. Ilang araw narin ang nakalipas na nagmumukmuk lang ako sa kwarto kaya naisipan kong tawagan siya para may makausap man lang ako. Sabado din kasi ngayon kaya walang pasok. Hindi rin ako pumapasok na dinadahilan ko nalang na masama ang pakiramdam ko. "Pinapunta mo ako rito para may makausap ka pero 'di ka man lang nagsasalita diyan?" Aniya habang kumakain ng babana cue na kanyang niluto kanina. "Pasens

