TIMOTHY I woke up early in the morning at naramdaman ko ang isang taong mahigpit na nakayakap sa akin. Pinagmasdan kong mabuti ang kanyang maamong mukha. Mula sa makapal na kilay at pilik mata hanggang sa mapupula niyang mga labi na kay sarap halikan. I still remember how we used to play together when we were young. Iyong Steve na kilala ko noon ay ang Steve na minamahal ko na hanggang ngayon. Walang pinagbago. Hinalikan ko siya sa kanyang noo saka ako dahan-dahan na tumayo upang hindi siya magising. Matugumpay ko naman itong nagawa at nagmadali akong lumabas upang kumuha ng makakain. Alam kong pagod ito kagabi dahil ginawa namin. Ako na siguro iyong pinakamasayang tao sa buong mundo. Iyong taong mahal na mahal ko ay mahal na mahal rin ako. I don't care about

