STEVE "Nat-nat, halika laro tayo." "Teka lang, Timo. Magpapaalam muna ako kay inay," Ani ko sa batang si Timothy. Nagpaalam ako at pinayagan naman ako ni ina na naglaro basta daw huwag lang ako masyadong magpapa-init sa araw. Agad naman akong lumabas at pumunta na kami sa aming tambayan sa batis upang doon maglaro. Kasama namin si Patty at Marco na naroroon narin pala na mukhang may dala-dalang mga pagkain. "Ano ang lalaruin natin?" Tanong ko kay Timo. "Kasal-kasalan nalang kaya?" "Sino ang ikakasal? Si Patty at Marco?" "Tayo,"Anito. "Pero hindi pwede dahil pareho tayong lalaki,"Sabi ko naman. "Wala namang masama dahil laro lang ito,"Sabi niya at hinila na ako papunta sa pwesto nila Marco. "Kahit na. Sagrado ang kasal kaya kahit na laro lang ay h

