STEVE "Bakit ang tahimik mo?" Tanong nitong kasama ko. Papauwi na kami galing sa school. Medyo late narin since nagtryout pa siya sa basketball. Kanina pa kasi ako tahimik dahil iniisip ko iyong nakita ko kanina. Hindi ko rin kinaya iyong eksena nila doon kaya umalis ako at sa bench nalang sa parking lot ako naghintay. Ayokong magsalita dahil nasasaktan ako. Babae iyon at mahirap kalabanin kung saka-sakaling mag fall out si Timothy. Hindi ko kakayanin dahil sobrang mahal ko siya. "Wala. May iniisip lang ako," Sagot ko na sa bintana ng kotse parin niya ako nakatingin. Ayoko ring sabihin sakanya ang dahilan ko kung bakit ako ganito ngayon. Isipin pa niya masyado akong seloso. Kaya hangga't maaari ay kikimkimin ko nalang ang selos at sakit. "Kumain na muna tayo. Mukhan

