STEVE Kinabukasan ay namamaga ang mga mata ko kakaiyak. Ginawa ko lang na dahilan ang pagpupuyat ko kakabasa upang maniwala si inay sa akin. Ako nalang din ang naiwan dito sa bahay dahil maaga rin silang umalis papuntang bukid kaya inaabala ko ang sarili ko sa paglilinis dito sa buong bahay namin. Nalaman ko rin kasi na hindi na dapat ako umiiyak, isang gabi lang ang meron kami kaya tama narin ang iyak na iyon upang mailabas ang sama ng loob ko. Pinunasan ko ang luha na may balak na namang bumuhos kaya habang maaga pa ay pipigilan ko na. Kagabi rin ay nakailang tawag pa siya at message pero hindi ko na pinansin pa. Tutal wala narin naman na kaming pag-uusapan dahil tapos na ang meron kami, 'yun ang pagkakaalam ko since hindi naman niya alam ang dahilan kung bakit hindi

