STEVE Ilang araw narin ang lumipas ng magpunta kaming dalawa sa mall. At sa bawat araw na lumipas ay hindi ko alam kung bakit mas naging sweet sa akin si Timothy, ayoko namang bigyan ng meaning dahil baka iba pala ang kanyang pinapakita sa sinasabi ng puso ko. Ayokong umasa, 'yan ang palagi kong sinasabi sa aking sarili. Nasaktan na ako dati dahil sa umasa ako. Nasaktan ako dahil ibinuhos ko nang todo ang pagmamahal ko at ayoko nang maulit pa iyon dahil sa hirap akong umahon kapag akoʼy nahulog. "Ayos ka lang?" "Oo, may iniisip lang ako." Naging sagot ko ng mapabalik ako sa realidad dahil sa mga pinag-iisip ko ngayon. "Sana ako 'yang iniisip mo." Tama na! Timo, masyado na akong umaasa sa mga ipinapakita mo. 'Yan sana ang isasagot ko sakanya, pero hindi ko magaw

