STEVE After naman ng pagkikita 'di umano namin ng damuhong Limuel na 'yun ay naging ma-ingat na ako baka kasi makita ko na naman 'yun at hilain ako sa kung saan. Ito namang si Patty ay kung makapagtanong ng kung ano-ano ay parang nasa isang talk show kami, katulad ng 'magandang buhay'. Kanina pa ako hindi nilulubayan matapos netong malaman na nagkita kami ni Limuel. "Ano na kasi, 'teh? Nagselos ba si sir Timothy?" Pinagsasabi niya? Kanina pa niya iginigiit na mukhang nagseselos daw si sir Timothy dahil aburido na naman ang mukha ng huli. Hindi pa ba siya nasanay sa isang 'yun na kahit masaya naman ang nararamdaman pero ang mukha ay parang pinag sakluban ng langit at lupa? "Manahimik ka nga, Patty. Ayusin mo na 'yung pag-iihawan natin netong barbecue. Baka kapag ako nain

