STEVE Pagkatapos nga naming mag muni muni at napanood ang pagsikat ng araw, na nagsasabing bagong umaga na naman ang magsisimula. Bumalik na kami sa cottage at naabutan namin doon ang dalawa na nagkakape. May mga hangover siguro ang mga 'to kaya sila nagkakape. “Magkape na kayo diyan at maya maya'y uuwi narin tayo.” Sabi ni sir Marco. Ang aga naman yata? Akala ko ay mamayang hapon pa kami uuwi? “Akala ko po ay hapon pa?” Tanong naman ni Patty. “Akala ko nga rin, e. Maaga kasi tayong nakapunta dito kahapon kaya na enjoy na natin ang umaga. Kaya wala narin naman tayong gagawin dito.” Paliwanag nito. Tango tango lang ang isinagot namin at nagtimpla na nga ako ng kape, isa para sa akin at isa naman kay sir Timothy. Umupo ako sa tabi ni Patty na kumakain n

