STEVE "Hoy, Nat nat ano ba kasi ang nangyari kahapon?" Tanong netong babaeng 'to. "Isa pang tawag mo sa akin ng pangalan na 'yan, baboy ka. Isa pa talaga." Pagbabanta ko sakanya. "Hindi ka kasi nagkukuwento sa akin kung ano nangyari sa inyo ng boss mo."Sabi nito saka ako tinabihan sa pagkakaupo. Ano ba ikukuwento ko sakanya? Hindi naman importante ang mga kagaguhan ng isang 'yun para ikuwento pa sa isang 'to. Saka bakit niya aber gustong malaman? Tinignan ko ito ng nakakunot ang aking noo. Parang kinabahan ako sa ideang naiisip ko ngayon, ah. "Ikaw nga babae, magsabi ka sa akin ng totoo."Sabi ko. Umiwas naman 'to ng tingin. "Ano ba sasabihin ko sayo?" Sabi niya. Nagmamaang maangan pa, e. Binatukan ko naman ito ng mahina dahilan ng pagkakatingin niya sa akin

