STEVE
Dahil nga sa pumayag ako sa kanyang gusto, na matuto kung paano mabuhay ng mahirap. Sinimulan namin ito sa kung paano ang pagkuha ng gatas sa mga baka.
"Ganito, uupo ka sa likod ng baka sa may bandang dede niya at dahan dahan mo lang ang pagpisil upang hindi siya masaktan at baka sipain ka niya" Sabi ko dito at umupo ako sa bakang kaharap ko ganun din ang ginawa niya.
Itinuro ko na nga kung paano ang tamang pagkuha ng gatas, noon una ay parang ingat na ingat siya sa pagpisil dahil siguro sa takot siyang masipa? Hahaha, naninipa naman kasi ang mga baka katulad ng mga kabayo.
"Huwag ka ngang tumawa diyan, bakla" Sabi nito dahil natatawa ako sa kanyang ginagawa.
Kinukuha niya kasi ang itlog ng manok pero 'tong manok na 'to ay masyadong matapang dahil ayaw niyang ibigay ang mga itlog niya.
Tapos si Timothy nama'y inis na inis dahil sa ginagawa ng inahin. Ayaw kasi magpatulong sabi niya, "I can do it with myself" english english pa kaya ayan, muntikan ng makalmot ng manok dahil sa pagpupimilit nito.
"Kasi naman hindi ganiyan ang pagkuha ng itlog, saka bakit kasi iyang may manok pa ang kinukuhanan mo kung pwedi namang 'yung walang nakabantay na manok?" Sabi ko sabay sa turo sa mga nest ng mga inahin na may mga itlog.
"Bakit kasi ngayon mo lang sinabi?" Masamang tingin agad ang pinakawalan niya.
"Sabi mo kasi, Sir. Kaya mo na iyang mag-isa kaya hinayaan kita" Aniko at ngayon ko lang napagtanto na masyado akong feeling close dahil hindi ko ito tinatawag na sir.
"Tss" Sabi nalang nito at lumipat sa mga nest na walang nakabantay na manok.
Kinuha naman niya ang mga iyun at nilagay namin sa mga basket na aming dala.
"Saan naman natin ito ipupunta?" Sabi nito bitbit ang dalawang basket ng itlog at sa akin nama'y dalawang galoon ng gatas.
"Sa factory, sir kung saan ang gatas ay ginagawang milk bar na bentang benta dito sa isla ezperanza. Ang mga itlog naman po ay pinipili kung alin ang pweding maging balot at pweding maging sisiw para dumami ang mga manok" Pagpapaliwanag ko sakanya sakay na naman kami ng kalesa papunta sa factory na pagdadalhan ng gatas at itlog.
Tango lang ito ng tango na katingin sa akin habang nagsasalita.
"Auh, Sir?" Sabi ko kaya napaayos ito ng tingin.
"Yah, I understand" Okey, naiintindihan naman pala niya. Nakatanga lang kasi siya, e.
Pagkatapos naman namin sa factory ay dumiretso kami sa palayan kung saan ko siya nakita kahapon na parang bored na bored at hindi sang-ayon sa lahat ng pinag-gagawa niya.
"By the way, 'yung nakita mo kanina. Just forget it at huwag kang magtatangkang magsumbong sa lola ko" Sabi niya habang sakay parin kami ng kalesa.
Pinaalala pa niya 'yun, madali ko lang makalimutan 'yung kababuyan na ginawa niya kanina saka wala naman ako sa pwesto na pati 'yun ay pakikialaman ko. Kahit na sabihin pa nating P.A niya ako.
Napatango tango lang ako bilang pagsang-ayon sa kanyang gustong mangyari. Pakialam ko ba doon?
Pagkarating namin doon ay nagsilapitan na ang mga taong nagtatrabaho sa palayan. Nasa may silong kami ng malaking puno katulad kahapon.
Dala narin namin ang kanilang pananghalian na kinuha pa ni tatay sa bahay.
Bawat kasi mga trabahante dito sa hacienda ay may ipinapadala ang kanilang pamilyang pananghalian na may naka-assign naman na magdadala.
Ito rin 'yung maganda rito dahil ang lahat ng mga tao ay nagtutulungan. Para na ngang isang buong baranggay ang hacienda, e. Kaya sa tuwing may fiesta sa labas ng hacienda ay imbitado kami upang makilahok sa mga patimpalak bilang parte kami ng Isla Ezperanza.
"Nak, kumain na kayo ng amo mo" Ani ng itay at iniabot sa akin ang dalawang baunan na may lamang pagkain.
Kinuha ko naman ito at lumapit sa pwesto ng amo ko daw sabi ng itay. Nakaupo kasi ito na nakatingin sa malawak na palayan.
"Sir?" Pagtawag ko sakanyang pansin kaya napatingin naman ito sa akin. "Kain na po tayo?" Tanong parin baka hindi siya kumakain ng mga ganitong luto.
Galing kasi ito sa aming bahay na luto ni inay at hindi katulad ng sa malaking bahay na masasarap ang mga luto. Pero sasabihin ko paring masarap ang luto ni inay, lalo na kapag gutom ka hahaha.
"Thanks" Inabot naman nito at binuksan. Napatingin ito ulit sa akin na nagtataka. "What's food is this?" Tanong niya sabay pakita ng pagkaing hawak niya.
"Ginataang gulay po iyan at 'yung kasama niyang isda ay dain. Subukan mo po dahil masarap po 'yan" Ngumiti ako at nagsimulang kumain ng nakakamay.
Sinabi ko narin na huwag siyang maghanap ng kutsara dahil wala kaming dala. Kaya sinimulan niyang kainin ang pagkaing hawak niya, noong una ay medyo patikim-tikim pero kalaunan nama'y para siyang mauubusan dahil sa bilis ng kanyang pagkain.
"Dahan dahan lang ho kayo, sir." Dahil hindi nga siya sumusunod kaya muntikan na siyang mabilaukan.
Inabot ko naman sakanya ang tubig at mabilis niya itong ininom. Napatawa naman ako dahil mas lalo siyang namula, hindi dahil sa init kundi sa muntikan na siyang mabilaukan.
"Sabi kasi sayong dahan dahan lang, e." Sabi ko pa at iniabot ko ulit ang pagkain niya. Dahan dahan narin siyang kumain, ni hindi na nga siya nagsalita hanggang sa matapos kami sa pagkain.
Nagpatuloy ulit kami sa pagtuturo nga sakanya na mamuhay dito. Dito na nga kami sa palayan at tinuruan ko siya kung paano magtanim ng palay.
Hindi pa nga papayag ang itay na ituro ko 'to sakanya pero talaga desidido itong amo ko daw kuno.
Wala na ngang nagawa ang itay dahil nandito na kami sa parte ng palayan kung saan kami magtatanim.
"Kukuha ka sa iyung kamay ng kumpol ng palay tapos konte konte lang ang pagtatanim, katulad ng ganito" Ipinakita ko ulit sakanya ang paraan ng pagtatanim ng palay.
Madali lang naman niya makuha ang paraan ng pagtatanim, sa, katunayan ay madali lang naman ang pagtatanim pero hindi ito biro na ginagawa ng mga farmers dahil sa nakayuko sila kaya kapag hindi ka sanay sa ganitong mga gawin siguradong sasakit ang likuran mo.
Tinitignan ko lang siyang nagtatanim habang nagtatanim rin naman ako.
"Stop staring at me, bakla. Kanina kapa, may gusto kaba sa akin?" Sabi nito at umayos ng tayo.
Tumayo naman ako at tiningnan ulit ito ng nakakunot ang noo. Masyado siyang assuming sa kanyang mga pinagsasabi.
"Ako may gusto sayo? Hindi pa ho ako nasisiraan ng ulo, Sir." Sabi ko sakanya at pinaikutan siya ng mga mata.
Tinitignan ko lang naman siya dahil baka mali ang paglakatanim niya ay mamatay lang ang palay.
"Kung makatingin ka kasi ay para mo na akong hinuhubaran, just tell me at maghuhubad ako sa harap mo" Dahil nga sa siraulo siya at nasisiraan narin ng bait.
Hinubad naman niya ang kanyang suot na damit dahilan ng pagkakapako ng paningin ko sakanyang katawan.
Nahawakan ko ito nung nasa malaking bahay kami at ramdam ko ang kanyang matigas na katawan noon. Pero, hindi ko naman pala alam na ganito ito kaganda? Mas maganda pa nga ito sa nakikita mo na tanawin sa paligid mo.
Napalunok ako ng wala sa oras dahil sa kanyang itsura ngayon.
"Enjoying the view?" Sabi nito na nagpabalik sa akin sa realidad.
Napaiwas ako ng tingin dahil baka hindi ako makapagpigil at ilublub ko ang kanyang mukha sa putikan.
"Mas maganda pa nga ang view sa likuran mo, e." Sabi ko kahit na ang nasa likuran niya puro lang palay na malapit ng i-harvest.
"Denial kapa, alam ko namang sa katawan ko ikaw nakatingin, e." Sabi nito.
Kaya hindi ako nakatiis at kumuha ako ng putik saka ko ito binato sakanya, sapul siya sa kanyang pisngi maging sa kanyang katawan ay natamaan.
Buti nga sakanya.
"Ayan, bagay sayo dahil masyado kang assuming sa mga pinagsasabi mo" Masama ako nitong tinignan at lumapit pa sakin.
Pero dahil ayokong madumihan ay umalis ako sa pwesto ko. Tumakbo naman ito kahit na nahihirapan at ganun din ang ginawa ko.
"Mahuhuli rin kita, Bakla. Walang kapatawaran ang ginawa mo sa akin ngayon" Sigaw nito sa akin pero binelatan ko lang bilang pang-aasara.
At dahil nga sa tanga ako ay bigla ba naman akong natumba sa putikan na nauna pa ang aking mukha.
Bwesit! Bumangon nalang ako at narinig ko nalang ang tawa ng isang demonyo na nakatayo lang malapit sa akin.
"HAHAHAHAHAHAHAHA, Karma is a b***h" Sabi nito na hindi na napigil sa kakatawa at enjoy na enjoy na may pahawak pa sakanyang tiyan.
Lumapit naman ako sa kanyang pwesto at tinulak ito dahil ng pagkakabagsak din niya sa putikan.
"Oh, ayan. Sige kapa sa pagtawa." Sabi ko sakanya dahil sa inis ko.
Bwesit kasi siya, e.
"Ganiyan pala ang gusto mo, ah." Sabi nito kaya hindi ako nakagalaw agad ng hilain niya ang kamay ko at napapatong ako sakanya.
Napatigil kaming pareho dahil sa naging pwesto naming dalawa. Nagkatitigan kaming dalawa, mata sa mata.
Umabot din siguro sa isang minuto ang titigang iyun na hindi ko maintindihan bakit ganun ang nangyari.
"Ang bigat mo, bakla" Sabi nito na nagpabalik sa akin sa realidad at umayos ako ng tayo.