"Mang Fabian!" Bulalas ni Sum nang makita nito ang matanda na galing sa may kubo.
Ngumiti si Mang Fabian at mabilis na lumapit kay Sum.
"May ibibigay daw po kayo sa akin sabi ni Jenna?" tanong naman ni Sum.
May dinukot si Mang Fabian mula sa bulsa nito, nakabote iyon ng medyo maliit.
"Mga ugat po ng iba't-ibang matitibay na kahoy ito Senyorita. Palagi niyo lang ihalo sa kakainin at iinumin niyo ni Senyorito para mas magising ang inyong mga punla lalo na kapag magtatalik po kayo."paliwanag ni Mang Fabian habang iniaabot nito ang boteng lagayan kay Sum.
Napaubo naman si Sum sa mga sinabi ni Mang Fabian pero kinuha pa din niya ang ibinibigay ng matanda. Hindi niya lang masabi-sabi kay Mang Fabian na baka hindi niya iyon magagamit. Subalit ano bang mawawala kung susubukan niya ang mga sinasabi ni Mang Fabian at ang mga ugat ng matitibay na punong -kahoy na may katas?
"Salamat po kahit hindi ko alam kung magagamit ko po ito." Matapat na sabi ni Sum.
Ngumiti si Mang Fabian ulit at tinapik nito ang balikat ni Sum.
"Walang mawawala kung iyong susubukan Senyorita," anito.
Tumango-tango naman si Sum dahil sa pagkakaalam niya mga bagong panganak lang ang umiinom ng ibinigay ni Mang Fabian. Para mas tumibay pa ang kanilang mga katawan sa panganganak nila. Pero, the word na pampatibay mukhang kailangan nga ni Sum ito.
"Where have you been!" Maanghang na tanong ni Alas kay Sum nang makita nito ang huli na dumarating.
"Sa garden bakit?" Tanong naman ni Sum nang tuluyan na itong makalapit Kay Alas.
Hindi umimik si Alas tiningnan niya lang si Sum tila may gusto itong sabihin subalit nagbago lang ng isip nito.
"May kailangan ka ba?" Tanong pa rin ni Sum kay Alas kahit nahalata na nitong nagbago ang isipan nito.
"Wala! Forget it, mauuna na ako sa kwarto."malamig namang tugon ni Alas.
"Sige!" Sabi naman ni Sum at mas nilapitan niya si Alas upang alalayan.
"I don't need your help, kaya ko!" Asik ni Alas sabay piksi sa kamay ni Sum na humawak sa braso niya.
Nasaktan si Sum sa ginawi ni Alas pero hindi ito nagsalita bagkus ay nginitian niya lang ang kanyang asawa.
"Mag-dahan- dahan ka," paalala na lamang ni Sum kay Alas na papanhik na sa may hagdan.
Huminto naman si Alas sa paghakbang nito subalit hindi niya nilingon si Sum.
"I'm not a child anymore so stop Prehea like you care about me." Mahinang sabi ni Alas ngunit sapat na nakarating sa pandinig ni Sum.
Napalunok si Sum dahil may kung anong nagbara sa lalamunan nito sa namimintong luha niya. Pinanood na lamang niya si Alas na tuluyan nang umakyat sa taas. Huminga nang malalim si Sum at malungkot na humarap sa mga kasama nila.
"Bakit hindi mo siya sundan Sum? Alam kong pagod ka na rin, magpahinga na kayong dalawa. Okay lang na iwan niyo kami dito," tining ni Don Arthur sa likuran ni Sum.
Napahinto si Sum sa pagpunta niya sana sa may dirty kitchen upang uminom ng tubig. Ipinagkit nito ang ngiti sa kanyang labi nang harapin niya ang Don.
"Mamaya ko na po siya sundan, maliligo daw po muna siya. Kayo ho ang magpahinga na huwag niyo akong alalahanin!"magiliw na sagot ni Sum.
Tumawa naman si Don Arthur. "Papaano niyo ako mabibigyan ng Apo kung hindi kayo gagawa agad? Sige na, Sum para makarami naman kayo ni Alas!"
Namula agad ang mukha ni Sum at hindi ito makatingin kay Don Arthur na nakangiti pa rin.
"Sige na, Sum!" Dagdag pa ng Don.
Ngiting aso si Sum pero sinunod naman niya ang Don. Hindi man handa ang dalaga sa gabing iyon sa nais ni Don Arthur, tahimik na lamang itong umakyat patungo sa kwarto nila ni Alas.
"Matutulog ka na ba?" Walang ka-emo-emosyong tanong ni Alas kay Sum nang makapasok ang huli sa loob ng kwarto.
"O-Oo!" Wala sa loob na sagot ni Sum hindi naman nito masabi-sabi kay Alas na inutusan siya ni Don Arthur na sundan niya ang asawa.
Hindi naman na sumagot si Alas pagkatapos nitong bumuntonghininga. Napansin naman agad ni Sum ang sahig na nalatagan ng manipis na foam.
"Diyan ka matutulog?" tanong ni Sum.
"Yeah, kagaya ng sinabi ko sa'yo hindi tayo magkatabing matutulog. And there's no reason para tabihan kita una at last na 'yong isang gabing nakalimot tayo!" Naka- seryoso si Alas.
Napalunok naman si Sum parang kinurot ang puso niya pero nagawa pa rin nitong ngitian si Alas.
"Ako na diyan, baka mabinat ka pa!" Sagot naman ni Sum.
"Nope. I insist!" Mabilis na tugon ni Alas at nahiga na ito sa sahig.
"Pero-"
"Stop it, Sum. I'm tired, ayoko ng maingay pakipatay ang ilaw kung matutulog ka na rin." Agad na putol ni Alas sa sasabihin pa sana ni Sum.
Tumahimik naman si Sum, nirerespeto niya pa rin si Alas kahit papaano. At ayaw din niyang mag- aaway na naman sila sa gabing iyon. Gusto ni Sum na maging matiwasay sa unang pagkakataon na magkasama sila ni Alas sa iisang kwarto. Pangarap nitong natupad na naman ilang hakbang pa ang gagawin ni Sum at napausal na naman itong sana ay matutupad ang mga iyon isang araw.
Kinabukasan.
"Sum, Alas!" Anang ng isang boses sa labas ng kwarto kasabay nang mga sunod-sunod na katok.
Napamulat si Sum at napabangon saka nito tiningnan si Alas sa may sahig. Gising na din pala ito at nagtama ang kanilang mga mata. Si Sum ang unang nagbawi nang tingin nito at sa pinto na ang kanyang tiningnan.
"Ang Daddy mo," mahinang sabi ni Sum.
"What?!" Bulalas ni Alas at bumalikwas ito nang bangon.
Mabilis nitong niligpit ang foam na hinigaan at isinuksok sa loob ng malaking cabinet nito. Pagkatapos ay inilipat nito ang mga unan at kumot sa kama na kinaroroonan ni Sum.
"Lay down quick!" Utos nito kay Sum.
"Ano?" maang namang tanong ni Sum.
"Sabi ko humiga ka muna at magkumot na parang nagtabi tayong natulog!" Pandidilat ni Alas.
Napahiga naman si Sum at nagkumot habang si Alas ay Kunwar nag- inat-inat pa bago nito tinungo ang pinto.
"Dad!" Bulalas ni Alas nang mabuksan nito ang pinto.
Tiningnan naman ni Don Arthur si Alas mula ulo hanggang sa mga paa nito. Pagkatapos ay tinanaw niya si Sum sa may kama na nakatalukbong at tumango -tango ito.
"Naistorbo ko ba ang tulog niyo?" Tanong ng Don kinalaunan.
"Hindi naman Dad," simpleng sagot ni Alas.
"Ikaw? Wala na bang makirot sa'yo?" tanong ulit ng Don.
"Medyo okay na ako Dad, what's up?" balik tanong naman ni Alas.
Tumikhim ang Don. "Arvin set up a short vacation to Moon Island we will all go after lunch. Pack your things together with Sum!"
Gulat si Alas sa sinabi ng Don.
"Biglaan naman po yata," nawika ni Alas.
"You need to relax and unwind for your better recovery ayaw mo no'n?" Naka- kunot noong tanong ng Don.
"Hindi naman Dad but it's just that, may pupuntahan sana ako ngayon." Mababa ang tinig ni Alas.
"Saan? Mas importante ba 'yan sa kalusugan mo?" Tanong ulit ng Don.
"Importante lang sana kahit sandali lang," giit pa ni Alas.
"Hindi ba 'yan makapaghihintay? Kami ba ang paghihintayin mo?"
Natahimik naman si Alas at napatungo narinig lahat iyon ni Sum. At sumagi sa isipan nito na baka pupuntahan ni Alas si Daisy. Kaya gumagawa ng paraan si Don Arthur para hindi magkita ang mga ito kung parehas sila nang kutob ng Don.
"Come to think of it, Alas! Ngayon lang tayo makakapasyal na kumpleto," anang ng Don.
Bumuntonghininga naman si Alas at napipilitan itong tumango na laglag ang mga balikat nito.
"Good. Gisingin mo na si Sum para makapaghanda kayo nang maayos!" Tumatangong sagot ng Don at tinapik nito ang balikat ni Alas saka umalis.
Pagharap nito kay Sum ay nakabangon na ito. Hindi naman tinapunan ni Alas nang tingin si Sum dumiretso ito sa kanyang malaking cabinet.
"Pack your things daw, narinig mo naman siguro ang aming usapan ni Dad," malamig na wika ni Alas pagkatapos ng ilang minuto.
Tumango naman si Sum kahit na hindi nakatingin si Alas sa kanya. Iniligpit naman muna ni Sum ang hinigaan nila kuno ni Alas. Alam ni Sum na nagpapakiramdaman silang mag- asawa kaya binagalan nito ang kanyang ginagawa. Nakahinga lamang nang maluwag si Sum nang pumasok na si Alas sa loob ng bathroom. Medyo nag- ayos konti si Sum sa loob ng kwarto ni Alas habang hinihintay nito ang paglabas ng asawa. Saka siya naman itong papasok upang maligo pero inihanda muna niya ang kanyang mga kagamitan papuntang Moon Island. Sa kaloob-looban ni Sum ay masaya ito dahil hindi na naman matutuloy ang pagkikita nina Alas at Daisy mabuti na lamang at naroon si Don Arthur na palagi siyang tinutulungan.