As the sun goes down and rises everyday I realise that my daughter's happiness is the most important thing. "Yno! No!" nakakabinging sigaw ni Ella ng bahagya siyang kilitiin ni Yno. Natawa naman si Yno saka marahan na lumayo kay Ella dahil matalim na tingin ang ipinukol nito sa kanya. Hindi nagtagal kita ko ang pag-irap ni Ella kay Yno na natatawa na lang kasi sanay na siya sa anak ko. "Ella, it's uncle—" "I don't want to," masungit na putol niya sa sasabihin ko saka niyakap ng marahan ang teddy bear na hawak. "She's so spoiled," Yno mouthed so I just nodded and we both laughed after that. Yno has been visiting us here for almost everyday now. Kung hindi sa umaga ay gabi siya bumibisita na parang walang trabaho na inaatupag. "Where's Joy?" tanong ko kay Yno habang pareho kaming nak

