"Mom, where are we going?" inosenteng tanong ng anak ko kaya napatitig ako sa mukha niya. Dadalhin ko siya ngayon kay Jeck. "Ella, do you want to meet your Dad?" Masigla siyang tumango ng tatlong beses dahil sa narinig kaya marahan akong ngumiti. "Yes! I want to!" Kita ko ang saya at excitement sa mukha niya. My plan was already set. Noong hinatid ako kagabi ni Jeck naisip ko ito kaagad. At ito rin ang dahilan kung bakit hindi ko magawang sabihin sa kanya kahapon kahit buong araw kaming magkasama. This is the right time to do this. Alam kong ito na. May lakas ng loob na ako. Hindi ko na patatagalin pa. I will claim this perfect timing. "Okay, we'll meet your Dad today. Be kind, okay?" "Yes, Mom! Yes! Yes! Yes! Yes!" "Quiet okay?" Habang pababa kami sa hagdanan tumatalon-t

