Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Jeck noong makita niya ako kasama si Yno na buhat-buhat si Ella. Kailangan ko na bang sabihin ang tungkol kay Ella? "Christmas is coming," matamlay na sabi ni Ella kaya kaagad ko siyang nilingon. We are on my bed and she is holding her iPad. Ako naman nakatutok sa laptop pero mabilis ko iyong nilagay sa gilid nang makita ang malamlay niyang mukha. "Aren't you happy? You'll receive a lot of gifts again," sabi ko sa masiglang boses pero isang maliit na ngiti lang ang binigay niya sa akin. "Can I meet my Dad? On Christmas eve?" Napaawang ang mga labi sa lumabas sa bibig niya. Her eyes were pleading. "Ella—" "Mom, I just want my Dad as a gift." Napalunok ako saka napaiwas ng tingin sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin ko. I was stunned he

