DORALIE’S POV “A–Anong ginagawa mo rito, Roger? Paano mo alam itong sa amin at napadpad ka rito?” sunod–sunod na tanong ko rito nang lumapit ito sa akin. Pinagtitinginan tuloy kami ng tsismosa naming mga kapitbahay, pero wala akong paki! Pero,ang alam nila’y jowa ko pa rin si Diego at hindi ko naman kailangang magpaliwanag sa kanilang ahat! “Nagtanong–tanong lang ako sa kanto at kilala kanaman nila rito. At nabanggit mo ‘tong lugar ninyo noon ‘diba? So, naalala ko, kaya pinuntahan kita,” pahayag nito. “Ano bang kailangan mo sa akin, Roger? Hindi mo naman siguro nakalimutan mga nangyari sa bahay ni Diego. Alam mo kung gaano natin nasaktan si Diego, kaya niya kami pinalayas na mag–ina. Kaya, ayaw ko na nang gulo, Roger at alam mo naman siguro na nasa ibang bansa na si Diego,” pahayag

