DORALIE'S POV “Bu–Buntis ako? Buntis na naman ako? Hindi ito puwedeng mangyari, Calista! Hindi puwde!” gagad ko, dahilan upang hawakan nito ang kamay ko. “Kalma ka lang, Beshy, kalma ka lang dahil baka mapano ang baby mo dahil mahina ang kapit niya sabi ng doktor,” pahayag ni Calista, kaya naman natahimik ako at nangilid ang luha ko. “Huwag mong sabihing nagsisisi ka na buntis ka ulit sa pangalawang pagkakataon? Samantalang, ginusto ninyong dalawa ‘yan ni Diego Mahoten na ‘yon ang nangyaring ito, sa ‘yo dahil bumukaka ka at tinangap mo ang patintin niya,” saad pa ni Calista. Wala talagang preno ang nguso nito, kahit kailan! “Hindi ako nagsisisi, Calista, pero magko–kolehiyo na si Lena. Kaya, hindi ko alam kung papa’no ko ulit haharapin ang nangyaring ito sa akin,” malungkot na pahaya

