DIEGO'S POV “Thank you, Dr. Castro at tawagan n’yo na lang ako para resulta ng DNA test,” ngiti na pagpasasalamat ko. Pakiramdam ko’y nagtagumpay ako ngayong araw, kahit ganito ang nangyari sa akin kagabi. At hindi ko hahayaan na masira ang plano kong ito. “No worries, Mr. Mahoten,” ngiti na tugon ng doktor sa akin. Nagpaalam na ako at tinungo ko na ang kotse. Sumakay na ako at tinawagan ko si Doralie dahil namis ko agad siya. “Nandiyan ka pa ba sa inyo?” tanong ko. “Oo, dahil hindi raw kami masusundo ni Roger. Kaya, pinasakay ko na mga estudyante sa jeep. Kumusta na pakiramdam mo?” tanong niya sa akin. “Medyo okay na rin. Um, papunta na ako riyan sa inyo at on the way na ako para sunduin ka. At mabuti naman na hindi ka sinundo ng hayop na ‘yon,” inis na sambit ko. “Hayan

