DIEGO'S POV “Talaga? Hindi ba kayo nagbibiro na nakita n’yo sa cctv footage ang babaeng naka–one night stand ko noon, Detective? Napuntahan n’yo ba mismo sa lugar na sinabi ko? At ako ba talaga nakita n’yo sa camera?” hindi makapaniwalang sambit ko. Excited akong malaman at makita ang babaeng ‘yon. Pero, kailangan ko ring makasiguro kung ako rin ang lalaking nakita nito sa cctv dahil nagsend ako ng picture ko. “Oo, Mr. Mahoten at tiyak kong ikaw na ikaw ito dahil kasing–guwapo mo at mala– Daniel Sapatilya,” pahayag ni Detective sa kabilang linya, dahilan upang kumunot ang noo ko. “Daniel Sapatilya? Mukha bang mala–gripo ‘tong pagmumukha ko dahil Sapatilya?” tanong ko. “Hindi naman, Mr. Mahoten. May pagkahawig ka kasi kay Daniel Sapatilya, lalo na kapag nakatalikod,” imporma pa ni

