DORALIE’S POV “Pútang ina mo, Diego! Gan’yan na nga hitsura mo, ang tapang mo pa!” sigaw ni Roger na nilusob si Diego at inundayan ng suntok! “Shít!” ngiwi na sambit ni Diego dahil natumba siya sa semento at nakatanga lang si Femelyn. Kalaunan ay pinagpapalo nito si Roger. “Walang hiya ka, Roger! Walang hiya ka!” gagad nito. “Bitawan mo ‘kom Femelyn at gusto ko lang bigyan ng sampol ang pinsan ko na ‘yan!” galit na saad ni Roger na akmang lulusubin si Diego. “Tama na, Roger!” protesta ko. Ibinaba ko sio Dana dahil nagising ito at lumapit ako kay Diego. “Tumigil na kayo at hindi mo ba nakikita ang hitsura ng pinsan mo. Nakapaglalakad na siya dahil sa tungkod,” pahayag ko. “Pagsabihan mo ‘yang Diego na ‘yan, Doralie dahil baka hindi ako makapagpigil ay lalabas ang sungay ko, pero

