DORALIE’S POV “Ma–May kanya–kanya na tayong buhay, Diego, kaya huwag mo na ‘kong tanungin ng gan’yan,” maawtoridad na sambit ko at inalis ko ang kamay kong hawak niya, kasabay ng pag–iwas ko ng tingin sa kanya. Ganitong senario ang ayaw kong mangyari. ‘Yong tatanungin niya ‘ko sa tanong na hindi ko gusto,. Dahil baka masabi ko ang totoo na hindi naman talaga nagbago ang pagtingin ko sa kanya. “Tumingin ka nga sa akin, Doralie at sabihin mo na hindi mo na ‘ko mahal dahil hindi yon ang nararamdaman ko, sa ‘yo,” mariin na saad ni Diego sa akin, kaya naman napalunok ako. “Ano, titingin ka sa akin, O kakagatin ko ‘yang labi mo,” pagbabanta pa niya. “Kakagatin mo? ‘Kita mong nandito ang anak ko, baka makita pa niya kung ‘yon ang gagawin mo. Saka, may sugat na nga ‘yang labi mo, manghahali

