DORALIE’S POV “Ano, Doralie! Hindi ka makasagot, dahil nahihiya ka sa manliligaw mong pilay na ito na walang tatay ang anak mo’t hindi mo kilala ang lalaking nakabuntis sa ‘yo! Hindi mo na nga kilala ang tatay ng anak mo’y magdadala ka pa ng lalaki rito!” gagad pa ni mamang, kaya naman kinabahan ako at hindi ako makatingin ng diretso kay Diego. “Tumigil na kayo, Mamang dahil nakahihiya kay Sir Diego! Hindi ko siya manliligaw dahil amo ko siya at sumama lang siya rito,” matigas na sambit ko na ikinasalubong ng kilay ni Diego. “Lokohin mo lelang mo, Doralie dahil panahon pa ‘yan ng kupong–kupong ‘yang sinasabi mo! Pumuputi na vol vol mo, sinungaling ka pa rin! At talagang wala kang pinagbago!” asik pa ni mamang, kaya nahihiya na talaga ako kay Diego. “Kayo ang walang pinagbago, Mamang

