DORALIE'S POV “Si Diego pa rin ba nilalaman ng puso mo at hindi ka makatingin–tingin sa akin, ha! Siya lang ba kaya mong mahalin dahil hanggang ngayon, wala pa ring nararamdaman ‘yang putang inang puso mo sa ‘kin! Ano, Doralie! Maghihintay na lang ako nang maghihintay kung kailan mo ‘ko gustong sagutin! Magpapakalila pa ‘ko sa ‘yo, lalo na sa mga anak mo, ha!” sigaw ni Roger, dahilan upang mapatayo ako at naglabasan ang mga kapatid ko at ilang kapitbahay namin. Mabuti na lang at tulog na mga anak ko. “Ano bang nangyayari sa ‘yo, Roger? Ba’t bigla ka na lang nagalit?” gagad ko. “Sinong hindi magagalit sa yo! Mula noong nasa muchacha ka pa ni Diego’y nililigawan na kita! Umalis na siya, lahat–lahat! At bumalik na siya rito sa Pilipinas ay hindi mo pa rin ako sinasagot, kaya nakapuput

