DIEGO'S POV “Ano, Mr. Baho–hoten–este, Mr. Mahoten? Nakita n’yo na ba ang mga larawang ni–send ko sa email ninyo? Maraming picture po ‘yan, kaya tiyak kong makikilala n’yo na ang babaeng naka–one night stand ninyo,” pahayag ni Detective Conan Mazilip dahilan upang magsalubong ang kilay ko. “Ba’t naman po, Mr. Baho—hoten na ang tawag n’yo sa akin, Detective Conan? Saka, ang dami n’yo ngang ni–send sa akin, halos kamukha naman lahat ni Zorayda. Wala na ho ba kayong mai–send na tamang larawan, Detective? Hindi naman ako nagmamadali, so take your time,” inis na sambit ko. “Hindi naman kamukha ni Zorayda ‘yan, Mr. Bot–hoten–este, Diego dahil may nai–sent ako sa ‘yong maganda, at paki–check mong mabuti ang mga pictures,” saad nito. Inisa–isa ko naman ang mga larawan at may nakita akong

