Nagddrive na naman kami oo. Travel partner ko na talaga si Davion. Tahimik kami habang may mga bagong kanta na natugtog sa radyo. Napahawak ako sa leather kong string bag. Binuksan ko ito at nakitang andito lahat ng mga papel na kailangan ko. Hindi ko kasi alam kung ilang araw ako mawawala hindi ko naman pwedeng iwan to basta dahil alam kong mattrigger ang curiousity ni Cara sa akin. May parang party naman sa gitna ng kalsada "Ano yun?" "Huh? Party sa gitna ng kalsada?" "Oo ata." "Isa lang ibig sabihin niyan illegal racing." Parang may nasilaban sa puso ko. Naexcite ako sa naisip. napagtanto nga naming isang Illegal Racing. Dahil narinig namin ang ingay ng mga kotse at hiyawan ng mga tao. Nakita rin namin ang malalaking stereo at mga ibat ibang beverages. Tumingin ako sa main tra

