Pagpasok ko sa school ay sigurado akong late na ako. Pero ang pinagtataka ko habang naglalakad ako sa hallway. Walang katao-tao sa bawat classroom. Walang tao. Walang teachers. Nagtataka na nga ako kung may pasok ba ngayon. Wala namang abiso si Davion ng hinatid niya ako pauwi kahapon. Wala talagang tao. Naiinis na talaga ako nasayang na ang 15 minutes ko sa paglakad bawat floor ng higanteng school na to. Nilibot ko na kasi ang buong floor ng building namin. Wala talagang tao eh. Late na ako eh so dapat maraming tao sa classroom. Pagod na ako gusto ko ng ibato yung sapatos ko sa sahig at umuwi nalang. Nang may lalaking dumaan habang kumakain ng rebisco. Oo. Natawa ako ng onti kasi nakita kong pati sa pocket ng uniform niya may kitkat naman tapos parang punong puno ang bulsa niya ng cho

