Kanina pa nagbubungkal ng lupa si Davion. Awang awa na ako sa kanya. Palubog na yung araw pero di pa rin niya nahahanap yung hinahanap niya. Baka sipunin din siya dahil nakaexpose yung likod niya. Nakatopless na lang siya dahil madudumihan ang damit niya. Puro na nga lupa at putik ang pang ibaba niya eh. Nakabagsak na lang din yung itim niyang buhok. Basta madungis siya. Pero aminado akong gwapo pa rin. Hindi ko siya tinulungan. Wala lang. Trip ko talagang kumain lalo na ng mga cakes. Paborito ko sila. Tanda ko pa noon lagi akong nagpapabili kala Pierce at Wrath ng chocolate cake pati kina Rogue at Cyrus kasi nga.... Ehem Binura ko agad ang mga nasa utak ko nagdadaldal na naman ako. Halos maubos ko na ata at unti nalang magkakadiabetes na ako kakalamon ng cake. Naka ilang litrong tubig

