ELAINE CAGE NAHIHIYANG kumatok ako sa opisina ni Demi gusto kong makibalita tungkol kay Kayle dahil hindi niya sinasagot ang mga tawag at text ko hanggang sa cannot be reached na. "Demi pw—" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla niya akong sinampal ng malakas kulang na lang matumba ako. "Demi, kaibigan pa din natin siya" pagpipigil ni Tasha hawak ko ang pisngi ko na sinampal ni Demi nagpupuyos sa galit ang dilim ng mukha niya nakakuyom ang kamao nagulat ako ng suntukin nito ang desk niya. "Paano mo nagawang lokohin ang kapatid ko, Elaine? Kung hindi kana masaya sa kanya sana noon pa nakipaghiwalay kana lang" "I'm sorry, nalito lang ako sa kapatid mo at kay Ryan" sagot ko na sinisinok na dahil sa pag iyak dahil sa katangahang ginawa ko hindi lang si Kayle ang nawala

