KAYLE MONTREAL "Sir Kayle pinapatawag po kayo ng mommy niyo para sumabay na sa agahan" boses ng kasambahay "Magagalit si Ma'am pag hindi pa po kayo babangon" dagdag nito itinaas ko ang kamay ko para senyasan na lumabas sa kwarto ko hanggang narinig ko na lang ang pagkapat ng pintuan. "Kayle kanina ka pa namin pinapatawag wala ka bang balak bumangon? May pasok ka pa sa company" parang sigarilyo na sinindihan ako at agad napabangon nawala sa isip kong may trabaho nga pala ako. Naalala ko na naman si Elaine at yung nakita ko sa bar na may kahalikan siyang babae. "Babangon na Ate Demi napuyat kasi ako wala akong tulog" inaantok kong sabi nagunat pa ako ng kamay at tumingin sa kanya naka ligo na pala ito sabagay morning person siya hindi katulad ko na gusto na lang matulog. "Bilisan

