Kahit galing kami sa away kanina ay mas inisip ko na lang ang mangyayari ngayon. Ang sabi naman niya sa akin ay babawi siya, kaya feeling ko ay nagkaintindihan na kaming dalawa. Nasabi ko na kasi sa kaniya ang tunay kong nararamdaman at iyong mga naiisip ko sa araw-araw, lalo na nu’ng marinig ko ang sinabi niya kay Tine at sinabi niya sa nanay ni Tine. “Mabuti nga at pumayag na magpaayos ako rito,” natatawa ko pang kwento sa isang lalaki, ngunit babae ang puso. Nagpapaayos kasi ako ngayon malapit rito sa hotel ni Mrs. Buendia. Pinayagan ako ni Shad, dahil sabi niya ay mabilis lang naman siya kumilos. Alas-singko pa lamang ngayon ng hapon. Ang usapan namin ni Shad ay alas-syete para sa aming dinner date rito sa may magandang resto na hindi pa namin napupuntahan. Mas malapit ang view

