Naniningkit ang mga mata kong tinitignan ang aking telepono. Kanina ko pa kasi minamataan kung nag-text na si Micka. “And kung ayos lang ay three months ko sanang uupahan ang isang mansyon mo. Uhmm… Miss. Villion?” agad akong napatingin sa nagsalita sa aking harapan. “Oh! Sure! Ilang weeks ulit?” nawawala na ako sa isip ko. Kahit si Shad ay hindi ko rin mahagilap sa itaas. Ang sabi pa naman niya sa akin ay magiging busy siya, dahil busy rin daw sa taas. Wala naman siya sa taas! “Three months, Miss. Villion.” may diin ang boses ang isang kilalang artista nang sabihin niya iyon sa akin. “Okay, sure. Just tell me details-” “Nasabi ko na po ang lahat at hindi ka naman nakikinig.” napaawang ang labi ko sa kaniyang katapangan na sabihin iyon sa akin. “O-oh! Sorry…” kinuha ko ang aking

