“At ang sabi niya pa ay fiancee niya ako!” ang mabilis kong hampas sa kaniyang braso ay ikinataray niya lang sa akin. “Ouch!” turo niya sa kaniyang braso. “Ouch, Dash…” pinanlakihan niya pa ako ng mata. “Ate Sasha naman! Pasalamat ka nga ay sinasabi ko pa sa ‘yo ang nangyari kanina. Hindi pa rin ako maka-move on! Para bang narito siya sa aking puso at hindi na umalis simula nu’ng-” hindi ko iyon itinuloy nang makita ko ang kapatid kong parang walang pakialam sa kinikwento ko sa kaniya. “Are you listening?” “I am, Dasha. Ituloy mo lang…” kahit hindi naman talaga! “Hindi ka naman nakikinig, e!” pag-iinarte ko pa. “Nakikinig nga! China-chat ko lang si Shad.” napapansin ko siyang nagtitipa sa kaniyang telepono kaya nang silipin ko iyon ay nanlaki ang mga mata ko. “Yuck! Ate! Ano ‘yang chin

