“Ang ganda ng apo ko!” patuloy na pagpuri ni mommy sa aking anak nang manganak ako. Ngumiti lamang ako ng tipid sa kaniya. “Nasabi mo na ba sa lalaking sinasabi mo na nanganak ka na?” umiling lamang ako. “Anak, wala ka bang balak sabihin sa kaniya?” “Hindi na po iyon importante, Mommy. Ang kailangan ko lang po ay ang anak ko… ayon po muna ang importante sa akin.” saka ako pumikit. Normal ang aking delivery at salamat na lamang sa D’yos at hindi niya ako pinabayaan at ang aking anak na si Saidee. “Naibalita na rin ba sa ‘yo ni Pivo na nanganak na ang asawa niya? Ubod ng puti raw, hindi ko nga lang madalaw at sino ba ako…” inilipat ako sa isang kwarto, habang ang anak ko ay nasa isang kwarto rin. “Sorry! Late!” bungad ni Tiff nang makapasok ito sa loob ng aking kwarto. “What are you

