“May kausap! Nako! Mas maganda pa sa ‘yo!” bangga ni Marie sa aking braso habang nag-iisip ng pwedeng buhatin, habang nakatingin sa dalawang nag-uusap. Akala ko ba ang fitness na ito ay para lamang sa mga gustong maging fit? Bakit dito sila nagdadaldalan? Ang unfair no’n, ah! Kung lait-laitin niya ako kanina! “Ano? Titingin na lang tayo?” “Ni-hindi ko nga alam ang gagawin ko rito. Treadmill nga lang ang alam ko!” “Ayan ang sinasabi ko sa ‘yo! Hindi natin alama ang mga mangyayari kapag hindi natin pinagplanuhan.” tama siya pero hindi ako magpapatalo sa gusto niya, ano! Kung pa sexy-han lang naman pala ang gusto niya ay ibibigay ko iyon sa kaniya. “Fine! Tara!” naglakad ako at nilampasan silang dalawa. Taas ang aking noo na hindi sila pansinin. “Yeah… kinda…” iyon lamang ang narini

