“Maiwan ko na po kayo, Ma’am…” pagpapaalam sa akin ng housekeeping, habang ang mga titig ko ay muling ibinigay kay Shad na ngayon ay nakatitig rin sa akin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdamanan ko sa halos ilang buwan na ang lumipas nang muli ko siyang makita. Naiwan kaming dalawa at tanging ilaw lamang ng aming hotel at ilaw ng mga malalapit na bahay at poste ang nakikita namin. “Kain ka na.” ngumiti ako sa kaniya nang yayain ko na siyang kumain, kahit nakatingin pa rin siya sa akin. Nakita ko ang kaniyang pagsinghap at tumungo. Ngayon ay hindi ko na alam kung paano pa ba ako kakain, kung kaharap ko siya. “How are you?” tanong niya na ikinaangat ng aking tingin. “G-good? Yeah, good…” inilabas ko ang ilang hangin sa aking bibig at hiniwa ang steak. Ngunit sa mga sandaling ito a

