“I want you to stay with him, okay?” napapikit ako. Bakit ba pinu-push ni mommy na lagi na lang akong nasa tabi niya? “At kapag hindi ko sinunod?” “I know you will stay.” napanganga ako sa kaniyang sinabi. “Mag-iingat ka na lang, Mommy. Tumawag ka sa akin kapag nakarating ka naroon at mag-picture ka kung totoong kasama mo sila, okay?” tumikhim lang siya at tumungo. “Ito naman, feeling mo lagi ay tatakasan, e!” para namang hindi niya ginagawa noon noong narito pa si Ate at minsan siyang namamahala sa kumpanya. “Ngayong may asawa na si Ate Sasha ay ako na itong ginaganito mo, Mommy.” nag-peace lang siya sa akin at nagpaalam. “So,” ani ni Cielo kaya napaangat ako ng tingin sa kaniya. “So, what?” tanong ko. “What do you want now?” ano ang pinagsasabi niya? “H-ha? Maari ka nang umuwi, naka

