4

1776 Words
Ngayon ay patungo na ako sa condo ni Shad. Ang usapan naman namin kanina ay ito nga, kailangan naming mag-getting to know each other ulit. Bakit? Kasi nga marami na ngang nangyari in two years. At hindi rin naman ako papayag na mapunta siya kay Tine. Babae ako at nakakaramdam rin. Nakikita ko si Shad kung paano siya sa akin noon. Mahirap siyang kausapin si Shad, pero nang makilala niya si Tine ay parang nakita ko ang aking sarili kay Tine. Natatakot ako, oo… Marami akong pagkukulang, pero kailangan kong bumawi at ito na ang pagkakataon na iyon. Ipaglalaban ko na ngayon si Shad sa pamilya namin. Handa akong suwayin ang tradisyon para sa kaniya. “Hindi ba? Like so, ew…” pagpasok ko ng elevator ay nakita ko na agad ang dalawang babae na nasa loob. “Oh, my god! Siya ‘yung sinasabi mo kagabi, hindi ba?” bangga naman ng isa sa kaniya. “Lalaine! ‘Wag mo naman lakasan! Dapat mas nilakasan mo…” nagtawanan pa silang dalawa na tignan ako. “Hi! New here?” nilingon ko ang isang babaeng nagngangalang Lalaine. “Hindi, bakit?” nang sagutin ko siya ay umawang ang labi niyang tignan ako. “Ay! Sinasagot ka, Bestie! Payag ka? English-in mo!” tulak pa sa kaniya ng isang babae. “Did you know-” “Hindi,” agad kong sagot sa kaniya nang hindi pa pinapatapos sa kaniyang tanong. “Did you know na hindi ka gusto ni Shad? My gosh, girl! ‘Wag kang mag-feeling na magugustuhan ka ni Shad! Hindi ba, Jhauz?” maarte niya pang tanong sa kaniyang kaibigan. “Jhauz?” kahit ako ay napalingon na rin sa kaniyang kaibigan na nakikipag-usap na sa kaniyang telepono at natawa mag-isa. “Hoy! Ano ba?!” sigaw ng babaeng Lalaine ang pangalan at ako naman itong tumalikod na lang sa kanila. Hindi ko na sasayangin ang oras ko para sa kanilang dalawa. Nang makalabas ako ay agad kong naalala ang ginawa namin kagabi ni Shad sa daanan na ito. Pinagmasdan ko maigi kung may cctv ba rito, dahil dito niya ako pinaghahalikan! Ang lalaking iyon talaga! Lagi na lang hindi makapagpigil! Kumabog ang dibdib ko nang maalala ko ang sinabi sa akin ni Pivo kanina. “Magkatabi ba silang natulog sa iisang kwarto?” napakagat nanaman ako sa aking labi at napaisip nang mabuti. “Oo, magkatabi sila…” napalingon ako sa bumulong sa aking likod kaya nang lumingon ay nakita ko ang isang babae na ang pangalan ay Lalaine. “Anyways, nakita ko si Fafa Shad at ‘yung babaeng Zerfa. Magkasama sila sa iisang kwarto, bye…” pagpapaalam niya pa sa akin at nagdire-diretso nang nilalakad. “Oo! Sabi ko naman sa ‘yo! Hindi nga ako nakalabas ng elevator kagabi, dahil nakakatakot ‘yung tingin ni Fafa Shad-” malakas na boses ng isang babae na ngayon ay nahinto sa kaniyang sinasabi nang makita ako. “Hindi kayo bagay…” taray niya pa sa akin nang ibaba niya ang telepono at nang malagpasan niya ako ay saka niya inilagay ang telepono sa tainga. Binuksan ko ang condo ni Shad at napaisip sa mga sinasabi nila. Sa ilang iglap lang ay naalala ko ang sinabi ni Shad kanina… Iyong tiwala… Kailangan ko rin bang magtiwala sa kaniya? Gayong ngayon pa lamang kami ulit magkakakilala? Habang inaayos ko ang ilang bagay na medyo magulo sa kaniyang condo ay narinig ko na ang isang tawag sa aking telepono. “S-sino ‘to?” tanong ko sa isang walang pangalan sa aking telepono. “You’re answering unknown numbers, baby… hindi ko gusto ‘yon…” nakagat ko ang aking labi, mukhang kilala ko na kung sino ito. “Where are you?” tanong niya sa akin. “A-at your… condo… dala ko na ang gamit ko,” suminghap pa ako nang malalim nang sabihin ko iyon sa kaniya. “That’s good… sasaglit lang ako rito at uuwi na rin ako d’yan.” kahit hindi niya nakikita ay tumungo na lamang ako. “Okay,” matipid kong sagot sa kaniya at nilibot ang tingin sa loob. “Sir. Shad, ayos na ba ‘to-Ay! Sorry po!” napatingin ako sa aking telepono nang marinig ko ang boses na iyon. “Undersized!” sigaw ni Shad at sunod no’n ay ibinaba niya na ang tawag sa akin. Para akong natulala sa aking narinig. U-undersized? Hindi ba’t si Tine iyon? Pinikit ko ang mga mata ko at agad na tinawagan si Pivo. “Pivo!” nang sagutin niya iyon. “Oh?” parang walang ka buhay-buhay na sagot niya sa akin. “Tumawag si Shad sa akin at alam mo ba kung ano ang ginawa ni Tine?” may kung ano ang narinig kong kalabog sa telepono. “What?! ano ang ginawa niya? Sasha!” “Hindi ko alam ang exactly na nangyari, pero parang may natapon or something kay Shad!” narinig ko ang halakhak ni Pivo sa kabilang linya. “Its not funny, Pivo! Baka mamaya ay mahawakan ni Tine ang dibdib ng Shad ko!” bulaslas ko pa. Narinig ko nanaman siyang parang nagalit sa kabilang linya. “Gumawa ka na nang paraan para makaalis si Tine sa PRIODAB, Pivo! ‘Wag mong hintayin na mapunta pa si Tine kay Shad! Buntisin mo na kaya!” hindi ko alam kung paano ko iyon nasabi sa kaniya. “Ano ba pinagsasabi mo? Hindi madaling paamuhin si Tine. Hindi ko nga alam kung bakit siya gano’n sa akin! Dapat nga ay ako ang nagagalit sa kaniya at siya ang nag-iisip ng paraan para makuha ulit ang loob ko!” “Tama! Para hindi ka na niya balikan! Gusto mo ba talagang mapunta si Tine kay Shad? Fine!” saka ko ibinaba ang tawag kay Pivo. Naiinis ako na hindi mo maintindihan. Ang gusto ko ay umalis na si Tine sa PRIODAB. Hindi ako mapakali nang makita ko rin na bumukas ang pinto. Halos magulat ako nang pumasok si Shad nang kunot ang noo na puntahan ako. “Why are you not answering my calls? Sino ang katawagan mo?” nanlaki ang mga mata ko nang itanong niya iyon sa akin. “S-si Pivo? Teka, bakit may mantsa iyang damit mo?” saka ako lumapit sa kaniya at pinunasan iyon. “Nabuhasan lang ako,” mahina niyang sagot sa akin. Nakita ko ang pagpikit niya nang hawakan ko ang kaniyang dibdib na may mantsa, dahil sa kape. “G-gusto mo… kuhaan na kita ng damit?” tanong ko sa kaniya nang hindi ko matiis rin ang aking sarili. “Kaya ko na ‘yon…” ngumiti siya sa akin at sunod ay mabilis niya akong hinalikan. “S-shad…” tawag ko sa kaniya ngunit parang wala siyang nakikinig. “Ito na ‘yon, getting to know each other again…” ngumiti siya sa akin nang ilayo niya ang kaniyang labi. “Bubutasin mo lang ako, e! ang kailangan ko, I mean ang ibig kong sabihin sa getting to know each other again ay ‘yung magkwento ka! Gusto kong malaman ang nangyari sa ‘yo sa loob ng dalawang taon na wala ako sa tabi mo.” ngumisi lamang siya sa akin. “Alam mo ang mga nangyari sa akin, Saindele…” animo’y napalunok ako sa kaniyang sinabi. Totoo ang sinabi niya. Alam ko ang lahat, stalker ako, e… “And? Chini-check ko lang naman! At alam mo ba ang-” hahalikan niya na sana ako nang tumunog ang kaniyang telepono. Pinagmasdan ko ang kaniyang telepono nang makita ko ang pangalan ni Tine. “Wait… sasagutin ko lang ‘to…” hindi na ako nakapagsalita nang tumalikod na siya sa akin at sagutin iyon. “Uhmm? I know… sorry…” kumunot ang noo ko nang marinig ko siyang mag-sorry kay Tine. Sa lahat ng babae ay hindi siya ganiyan! Ni hindi mo nga siya maririnig na tumawa, dahil sa ibang babae! Ngunit si Tine ay nagawa niyang… pinikit ko na lang ang aking mga mata at ayoko na lamang isipin iyon. “Okay… pupunta na rin ako d’yan,” tumaas ang dalawa kong kilay nang marinig kong sabihin niya iyon. “Susunduin na lang kita d’yan…” saka niya iyon ibinaba. “A-aalis ka ulit?” nanginginig ang aking labing tanungin iyon sa kaniya. “I know… I’m sorry, umalis kasi ako agad kanina. Hindi ako nakapagpaalam... may meeting pala kami kanina.” hinalikan niya lamang ang noo ko at agad na tumungo sa kaniyang kwarto. Tinikom ko ang aking bibig at pinagmasdan lamang siya na pumasok. Ilang saglit pa nang lumabas siya nang may suot-suot na bagong business attire. Kitang-kita ko sa kaniyang itsura ang masasabi mo talagang gwapo. “Uuwi rin ako agad…” tumungo lamang ako sa kaniya at ngumiti. “Sabay na tayong mag-dinner…” ngumiti lang ako ulit nang umalis siya, dahil sa pagmamadali niya. Suminghap ako nang marinig ko ang pagsarado ng pinto. Talagang iniwan niya na talaga ako. “What the f-ck? Seryoso?!” boses ni Tiff sa aking telepono nang tawagan ko siya. Nabo-bored ako, hindi ko naman akalain na ganito pala ka bored rito sa condo niya. “Oo nga! Kaya kapag tinanong ka ni Mommy ay sabihin mo na lang na oo.” may mga sinabi pa siyang kung anu-ano nang maintindihan ko na siya sa huli niyang sinabi. “May nangyari na sa inyo? Oh, my gosh! Gumamit ba kayo ng protection, Sasha?” napaisip ako nang alalahanin ko. “Hindi ko sure… pero knowing Shad? Alam kong hindi niya iyon ipinutok sa akin…” sure ako doon. “Paano ka naman nakakasigurado? Alam mo? Sinabi niya?” sunod-sunod niyang tanong sa akin. “Lasing ako, okay? Hindi ko alam… nagising na lang akong iba na ang damit ko at siya naman itong naliligo sabay sabi niya sa akin na gusto niyang magkabalikan kaming dalawa!” animo’y nagra-rap na ako. “Oh, no! Seryoso ba ‘yon? Ano ang sabi mo?” “Gusto kong ano… magkakilala kami ulit, kasi marami ngang nangyari in two years…” “Sa two years na ‘yon ay alam mo ang lahat, Dzai! ‘Wag kang ano d’yan! Gumagawa ka pa nga ng dummy account para I-check ‘yung mga social media niya!” tumaray na lang ako habang kausap siya. “Bakit parang hindi ka masaya? Hindi ba’t ayan naman ‘yung gusto mo? Magkabalikan kayong dalawa?” “Feeling ko kasi ay hindi niya na talaga ako mahal… feeling ko ay nahuhulog na ang loob niya sa iba, Tiff..” kumabog ang aking dibdib. Palagay ko ay nahuhulog na siya sa babaeng mahal na mahal ng pinsan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD