“T-teka…” ang kita ko ang sa kaniya ay ang kaniyang dibdib. Magsasalita pa sana ako nang hawakan nito ang aking labi gamit ang kaniyang daliri. “Shhh…” ang kabog sa aking dibdib ay hindi nanaman mapaliwanag. Parang araw-araw na lang ako nagiging ganito kapag siya ang kasama ko lalo sa ganitong sitwasyon. “Cielo…” imbis na magsalita ay pinaunlakan niya lamang ako nang mariin na maraming halik. Ang pwetan kong naramdaman ang malamig na pader sa banyo at ang kaniyang kamay na sabunot-sabunot ang aking kaliwang buhok. Ang palad nitong mainit na nakahawak sa aking braso. Mas dinidiin niya ako sa pader kaya ako naman itong nagpatianon lang sa kaniyang halik. Gumagalaw ang labi niya kung halikan ako at hindi naman ako papayag na hindi ko siya gantihan. Kaya naman habang naghahalikan kami ay

