Isang linggo akong hindi lumabas. Panay lamang ang iyak ko sa aking kwarto na ikina-alerto ni mommy at Dasha. Kahit si Tiff ay napunta na rin sa bahay kasama sina Jhauz at Lalaine. Hindi ko alam kung kailan pa naging feel at home ang dalawang iyon, pero simula nang mangyari iyong sa ospital ay panay lamang ang kanilang pagpunta sa akin. “Ano ba kasi ang nangyari kay Ate?” tanong ni Dasha kay Tiff. “Masyado ka pang bata para maintindihan ang mga bagay-bagay, Dasha. Kung ako sa ‘yo ay maglaro ka na lang sa cell phone mo,” ani ni Tiff na ikinataray naman ni Dasha. “I’m Nineteen years old for god sake and also! May boy friend ako!” at agad naman itong lumabas ng kwarto ko. “Why your sister like that?” umupo si Jhauz sa aking tabi. Kinagat ko ang aking labi at inilapag ang pregnancy tes

